Chapter 17
NAKAUPO siya ngayon sa harap ng counter at nakahalumbaba. Naghihintay siya ng customer. Nasa trabaho niya siya sa convenient store.
Nagpaalam na siya kay Ma'am Lani na may-ari ng convenient store na magre-resign na siya. Pumayag naman ito kaso pinatao muna siya ngayon dahil wala daw magbabantay. Hindi na siya nakaangal dahil last na request na rin daw nito iyon.
Okay lang rin naman sa kanya dahil ilang linggo na siyang absent. Pasalamat na rin niya dito dahil kahit ilang beses siyang um-absent ay hindi agad siya nito tinanggal. Masaya pa nga ito kanina ng makita siya. Kaso nakatikim din siya ng mahabang sermon dito dahil sa pagiging missing in action niya ng ilang linggo.
Napa-angat siya ng tingin ng biglang tumunog ang bell sa pintuan ng tindahan tanda na may pumasok.
Napaawang ang labi niya ng makita si Leroy na nakangiti sa kanya.
Dahil sa sobrang excitement at pagka-miss dito ay nagmamadali siyang umalis sa harap ng counter at sinugod ito ng yakap.
"Leroy!! Natanggap ako sa Rampa Bituin!" Masaya niyang sabi dito habang nakayakap pa rin siya. Tila ba nakalimutan niyang mahiya dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Leroy noong huli silang magkita.
Natatawa itong humiwalay sa kanya. "Really? I'm so proud of you, Suzy..."
Nakangiti siyang pumalakpak dito. "Dahil masaya ako ngayon, libre kita..."
Bakas sa mukha ng lalaki na masaya ito para sa kanya. "Sige ba, saan mo ako ililibre?"
"Basta..." Sabi niya dito. "Wait lang ha, 20 minutes pa bago may pumalit sa akin eh. Mamaya na lang kita ilibre pag-out ko na."
Ginulo ni Leroy ang buhok niya at tumango. "Okay, I'll wait for you in the car."
She grinned and nodded.
NANGINGITING lumabas ng convenient store si Leroy. Plano niyang hintayin na lang ang dalaga sa sasakyan. Ilang araw din niyang hindi nakita ito dahil pinipigilan niya ang sarili na makagawa ng mas lalong magpapalito dito.
Hell, he already tasted her lips. Baka hindi na niya mapigilan ang sarili at kung ano pa ang magawa niya dito.
Kanina habang papunta siya sa pinagtatrabahuhan ng dalaga ay excited siya dahil alam niyang galing ito sa Rampa Bituin. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay pina-imbestigahan na niya si Sam Medina, ang may-ari ng agency.
He wanted to make sure that her Suzy will be in good hands. Ayaw niyang maulit ang nangyari dito noong trainee pa ito sa SA.
Maayos ang kinalabasan ng pagpapa-imbestiga niya. Malinis ang background ni Sam at hindi man lamang ito nasangkot sa kahit na anong eskandalo o illegal. Kaya nakasisigurado siya na magiging maayos ang kalagayan ni Suzette.
Kahit na maliit na agency lang ang Rampa Bituin ay maganda ang feedback ng mga dati nitong modelo. Kasalukuyan nga lang malapit ng ma-bankrupt ang agency pero alam niya na malaking tulong si Suzette sa agency.
Ang alam niya ay isa sa kasosyo niya sa business ang mga magulang nila Sam na may mga resorts pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi ito humingi ng tulong sa mga magulang dahil mayaman naman ang pamilya nito. Maililigtas sana nito ang agency.
Well, kahit na ganoon ang nalaman niya ay si Suzette pa rin ang magdedesisyon. Isa pa, ayaw ng dalaga na pinapakialaman ang buhay nito. Baka kapag nakialam siya ay iyon pa ang maging sanhi ng pag-aaway nila.
Lalo na't unti-unti na siyang nakakapasok sa buhay ng dalaga.
Habang nasa kotse ay pinagmamasdan niya ang dalaga na inaasikaso ang mga dumating na customer ng convenient store. Matiyaga talaga ang dalaga at hangga't kaya nito ay hindi ito hihingi ng tulong. Heck, nagalit pa nga ito sa kanya ng bilhin niya ang mga groceries nito.
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...