Chapter 12

0 0 0
                                    

Chapter 12

“Hi! Is Mr. Bautista in there?” Masigla niyang tanong sa lalaking sekretarya ni Leroy. "By the way, I'm Suzette." Just in case na tanungin nito ang pangalan niya.

Tinignan muna siya nito bago ngumiti. “Yes, Maam. Do you have an appointment?”

She smiled shyly. “Wala eh.”

“That’s okay Ma’am. Mr. Bautista doesn’t like appointments. Maupo muna kayo at pupuntahan ko lang si Sir Leroy.” Itinuro nito ang sofa sa labas mismo ng opisina ni Leroy.

Tumango siya at nagpasalamat dito. Leroy doesn’t like appointment? How weird is that?

Tatlong araw ng hindi umuuwi ang lalaki sa condo nito. Mukhang nagalit talaga ang binata sa kanya noong huli silang magkita.

Aaminin niya, nakonsensiya siya sa mga pinagsasabi niya sa lalaki kaya nagkusa na lang siyang pumunta dito para humingi ng tawad. Mukha kasing walang balak ang lalaki na umuwi sa sariling condo nito.

“Ma’am, pasok na daw po kayo…” Sabi sa kanya ng Sekretarya nito.

Huminga siya ng malalim bago pinihit ang door knob ng opisina nito.

Unang sumalubong sa mata niya ay ang ayos ng opisina nito. Hindi kasi niya ito masyadong nabigyan ng pansin ng una niyang punta rito.

Kumpara sa madilim na kaharian ni Rey, ang kaibigan niyang kampon ng kadiliman ay mas maliwanag at marangya ang opisina ni Leroy.

Napapaligiran ito ng glass wall at halos lahat ng gamit nito ay gawa sa salamin. Ano ba ang inaasahan mo sa opisina ng may-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng pagawaan ng salamin?

Mababakas ang karangyaan sa bawat sulok ng kwarto. May isang pinto sa kaliwa na hula niya ay CR at isa pa sa tabi nito na hindi niya alam kung ano.

Napatuwid siya ng tayo at napatingin sa harap ng tumikhim ang binata.

Napairap siya sa isip ng mapansing natulala pala siya. Kaya naman para makabawi sa pagkapahiya ay dahan-dahan niyang isinarado ang pinto at naglakad palapit kay Leroy.

Umupo siya sa harap nito at inilapag ang dala niya.

Nagtataka siyang binalingan nito. “What’s this?” Tukoy nito sa inilapag niya sa lamesa nito.

Kinakabahan siyang sumagot. “Pagkain. Ipinagluto kita. Hindi ka na kasi umuuwi sa condo mo.”

Lumamig ang tingin nito sa kanya. “May pagkain sa cafeteria sa baba. Hindi ka na sana nag-abala pa.” 

Medyo napahiya siya sa ginawa kaya kinuha na lang niya ang pagkain sa ibabaw ng lamesa nito. “Sorry. Sige, kukunin ko na lang ito.”

Habang nanginginig siyang binawi ang dala ay nagsalita ulit ito. 

“Ano ba talaga ang pakay mo dito, Miss Cano?”

Nahihiya na siya at natatakot sa kaharap pero pilit niyang pinatatag ang sarili. “Ahh, gusto ko sana ipagpaalam kung pwede sanang tumuloy muna ako sa condo mo. Hayaan mo, magbabayad naman ako kaso hindi pa ngayon. Gusto ko sanang kausapin ka ng mas maaga pero hindi ka naman kasi nagagawi doon kaya nagbakasakali na lang ako dito.”

Hindi iyon ang pakay niya. Nakaraan pa siyang nakapag-desisyon na aalis na doon kaso hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iyon ang nasabi niya kay Leroy. Siguro nataranta siya sa biglaang pagtatanong nito.

Bumalik ang lalaki sa ginagawa nitong pagbabasa sa mga papeles na kaharap. Nakaramdam ulit siya ng pagkapahiya dahil sa inakto nito. 

“You can stay at my condo, I don’t mind.” Pagkakuwa’y sabi nito sa kanya.

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon