Chapter 18

0 0 0
                                    

Chapter 18

SUZETTE has a schedule today to Sam’s family doctor. Sam already informed her and he also gave her medical records to Doctor Reyes.

Kaya kasama niya ngayon si Sam sa private clinic ng doctor ng pamilya nito. Saka niya lang rin nalaman na mayaman pala ang pamilya nito. May-ari ang pamilya ni Sam ng mga resorts sa Palawan, Boracay, at Pampanga. 

Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit hindi na lang ito tumulong sa family business ng mga ito pero malihim ang lalaki pagdating sa pamilya nito.

“Hoy, Yerin! Ayusin mo ang pagtingin dito sa alaga ko ha! Future celebrity yan ng RB kaya dapat nasa maayos ang kalusugan niya.” Pagbabanta ni Sam sa doktor.

Umirap dito si Doc Reyes. “Tigilan mo nga ako Sam at masasapak talaga kita.” Bumaling sa kanya ang magandang doktor. “Sorry about that. Natanggap ko na yung mga medical records mo, let’s get x-ray and lab, okay? Para ma-double check natin yung result dito sa records mo.” Ngumiti ito sa kanya.

Tumango siya at sumunod kay Doc Reyes sa isang kwarto. Iniwan nila si Sam doon na busy sa cellphone nito.

Habang kinukuhanan siya nito ng x-ray at dugo ay may mga tinatanong ito sa kanya kung saan niya nakuha ang mga injuries niya. Sinagot naman niya ito ng tapat.

Maya-maya ay pinabalik na siya nito kung nasaan si Sam. Hihintayin lang daw nito ang lab results niya.

Hindi mapakaling naghintay siya. Napatingin siya kay Sam na nagmumura sa kabilang banda ng clinic. Naglalaro yata ito ng online games. Napailing-iling siya. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang ugali nito.

Napatuwid siya ng pagkakaupo ng bumalik si Doc Reyes. Saka lang din umayos si Sam na ngayon ay nasa tabi na niya.

Umupo ang doctor sa table nito. “Ayon sa results ng X-ray mo ay nasa phase na ng recovery ang shoulder mo. Medyo bumagal lang nga ang paggaling nito dahil siguro napu-pwersa mo tsaka dapat nagka-cast ka pa ngayon. Kaya I would recommend na magsuot ka muna ng shoulder cast para mapabilis ang recovery nito.”

Tumango siya. “Pero doc, sabi noong doctor na unang tumingin sa akin ay hindi na daw ako makakabalik sa pagsasayaw. May tyansa pa ba ako?” Nagbabakasakaling tanong niya.

The doctor think for a moment. “I will be honest to you, Miss Cano, I still don’t know if you can do some extraneous activity but your shoulder is recovering in the right track. Hopefully, it will work but don’t get your hopes high up. Kailangan pa nating obserbahan pa lalo ang balikat mo bago kita masabihan kung pwede na.”

Suzette nodded. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil at least may tyansa siya na bumalik sa pagsasayaw. Kahit na hindi sigurado basta mayroon. Kailangan lang niyang pangalagaan ang balikat niya.

“Thank you, Doc Reyes…” She smiled.

The doctor smiled back. “Oh cut the formalities. Just call me Yerin. Tutal naman ay kaibigan ka nitong mokong na ito. Tsaka mukhang maraming beses pa tayong magkikita.” Sabi pa nito at tinuro si Sam na tahimik lang sa isang gilid.

“Yerin, three months from now, Suzette will debut. Do you think she can handle that?”

Shocked siya sa narinig mula kay Sam. The hell?! Three months from now?

Napatawa si Doc Yerin. “Don’t be serious, Sam. Suzette has my permission. So, go and help her to recover fast. Para wala kayong maging problema. Constant consultation lang dito para matutukan ko talaga ang health niya.”

Napatango-tango si Sam habang siya ay hindi makasabat sa mga ito. Namalayan na lang niya na nagsusuot ng cast na ibinigay sa kanya ni Doc Yerin.

Gulat pa siya sa isiniwalat ni Sam. Totoo ba talagang mangyayari iyon? Parang ang bilis naman yata masyado. Kakapasok niya pa lang sa RB at hindi pa nga siya nakakaisang-linggo doon. 

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon