Chapter 13
NARINIG NI SUZETTE ang pagbukas ng metal na pintuan ng visiting room sa kulungan.
Nag-angat siya ng tingin para lang makita ang mukha ng lalaking kinamumuhian niya.
Masaya ang hilatsa ng mukha nito ng makita siya. Akmang lalapitan siya nito at yayakapin ng umiwas siya.
Nakita niya ang pagbabago ng emosyon sa mga mata nito pero nanatili pa rin ang ngiti sa mukha nito.
“Baby, I miss you…” Sabi nito at naupo sa harap niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. “Bakit ngayon mo lang dinalaw si tatay, hmmm?”
Pinilit niyang makawala sa pagkakahawak ng ama. Matalim niya itong tiningnan at hinayaan ang sarili na ipakita ang mga emosyong nararamdaman niya.
“Kasalanan mo itong lahat! Kung hindi dahil sayo, wala sana ako sa ganitong sitwasyon! Napakasama mong tao.” Napahagulgol siya sa harap ng ama. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng katawan niya. Parang biglang naipon ang emosyon at ngayon niya lang nailabas.
Natahimik ang kaharap niya at malungkot na pinagmamasdan ang anak na umiiyak.
“Alam mo sana hindi na lang ikaw ang naging ama ko! Wala sana akong problema ngayon. Kasalanan mong lahat ng ito. Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na akong pagkakataon na maabot ang mga pangarap ko. Kasalanan mo kung bakit ako baon sa utang ngayon at kailangang kumayod para lang makakain. Kasalanan mo kung bakit wala akong pera pampa-ospital ng sarili ko.”
Malungkot siyang ngumiti. “Akala mo ba madali lang lahat sa akin. Puwes para sabihin ko sayo, hindi! I needed to suffer kahit wala naman akong kasalanan. Kahit hindi naman ako ang nakakulong. Kahit hindi naman ako ang pumatay!”
“Parang ako na rin ang umako ng kasalanan mo dahil sino nga ba ang tatanggap sa anak ng isang kriminal? Wala… Sana naranasan mo rin ang hirap na nararanasan ko.”
Humagulgol lang siya ng humagulgol at nanatiling walang imik ang ama niya.
“Ano, hindi ka man lang ba magsasalita?” Umiwas ito ng tingin sa kanya pero napansin niya pa rin ang pagpatak ng luha sa mga mata nito.
“Tingnan mo ako! Tingnan mo ang anak mo na pinapahirapan mo! Tignan mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito! Ikaw!”
Gusto niyang tumingin sa kanya ang ama para makita kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya pero nakatingin lang sa gilid ang ama at iniiwasan siyang tapunan man lang ng tingin.
Napaiyak siyang lalo. “Ano nang gagawin ko?...” Bulong ko at napasubsob sa lamesa.
Hindi niya alam ang ginagawa ng panahon na iyon basta ang alam lang niya ay sobrang lungkot ang nararamdaman niya. Na kapag hindi niya nailabas iyon ay sasabog na lamang siya anumang sandali.
Napabalik siya sa hinaharap ng maramdaman ang paghaplos ng lalaking kaharap sa ulo niya. “Huwag mo akong hawakan.” Madiin niyang sabi dito. “Wala kang karapatan.”
“Anak… I’m sorry… I’m sorry dahil ganitong klase ng ama ang meron ka. Patawad, anak.” Pilit siyang inaabot nito pero umiiwas siya. “Gagawin ko ang lahat, anak, para lang mapatawad mo ako.”
Sarkastiko siyang natawa. “Walang kabayaran ang pinaparanas mo sa akin ngayon.”
Bumagsak ang mga balikat nito sa narinig.
“Meron pala…” Nakita niyang nabuhayan ito. “Sana pirmahan mo na ang dokumentong matagal ko ng pinapapirmahan sayo.”
Matagal na niyang pinapirmahan sa ama ang pagpapalit niya ng apilyedo pero palagi iyong tinatanggihan ng ama.
“Anak, huwag naman iyon…” Nagsusumamo nitong sabi.
Kung may makakakita lang sa kanila sa sitwasyong iyon ay siguradong namura na siya at nasabihan ng kung anu-anong masasakit na salita.
Napakawalang-puso siguro niya sa mata ng iba. Pero siya ang nakakaramdam noon. Wala siyang pakialam sa tingin sa kanya ng iba. No one can judge her feelings. No one.
“Palayain mo na ako…” Nakikiusap niyang hiling sa ama.
PINAGMAMASDAN niya ang pagbagsak ng ulan sa labas ng kulungan. Nakasilong siya pero hindi iyon sapat dahil nababasa pa rin siya.
Napangiti siya ng mapait. She will always be alone. And that's why she felt lonely in those times.
Walang pag-iisip siyang tumayo sa gitna ng ulan. Wala namang nakakakita sa kanya dahil lahat ng tao ay nasa loob ng opisina at kulungan. Pati na ang iilang bantay.
Sa gitna ng ulan, walang makakapansin sa kanya kahit umiyak siya ng umiyak dahil natatakpan ng ulan ang mga luha niya.
Bakit nga ba sila nauwi ng ama sa ganitong sitwasyon?
Ahhhh, matagal na pala.
Five years old siya ng mamatay ang ina dahil sa rape at murder. Dahil sa mura niyang edad ay hindi niya pa naiintindihan kung bakit galit na galit ang ama niya.
Kung bakit grabe ang pagwawala ng ama niya noong may dumating na mga pulis sa munti nilang bahay.
Tahimik lang ang buhay nila noon. Nagbago lang iyon ng mamatay ang ina.
Naging malungkutin ang tatay niya at laging tulala. Hindi rin makausap ito kaya ang mga kapatid lang ng ama ang nag-aalaga sa kanya. Bata pa siya noon kaya wala pa sa isip niya kung bakit ganoon ang ama niya.
Ang akala ng mga tiyahin niya noon ay hindi niya napapansin ang pagkawala ng mama niya dahil hindi naman siya nagtatanong. Pero malinaw ang isip niya at kaya hindi siya nagtatanong ay alam niya na hindi na babalik ang ina. Dahil nasa langit na ito.
Oo, kahit maliit pa lang siya noon ay ramdam niya. Kahit hindi maintindihan ng munti niyang isip ay ramdam niya. Pero nakaukit na sa puso’t isip niya ang itsura at ang kabaitan ng babaeng mahal na mahal niya.
May isang pagkakataon noon na nagkasakit siya at sakto namang nasa poder siya ng ama sa oras na iyon dahil nagsawa na ang mga kamag-anak nila na pagpasa-pasahan siya kaya pinabayaan na lang siya sa tulalang ama.
Nagdidileryo siya noon at pilit na tinatawag ang ama. Noon lang yata nagising ang ama niya sa katotohanan na silang dalawa na lang. Silang dalawa na lang sa buhay. Natatarantang dinala siya ng ama sa hospital.
Nang araw ding iyon ay nangako ang tatay niya na hindi na mauulit ang nangyari at po-protektahan siya nito hanggang nabubuhay ito.
Natandaan niyang masaya siyang narinig iyon sa ama at tinupad naman iyon ng ama ng ilang taon.
Pero ang akala niyang maayos ng buhay ay iba pala ang nararamdaman ng ama. Kaya’t noong magkaroon ito ng pagkakataon na gantihan ang gumahasa at pumatay sa ina ay sinunggaban na nito.
Pinatay nito ang gumawa noon sa ina. Nakulong ang ama. At doon muling gumuho ang mga buhay nila. Sa pangalawang pagkakataon.
Nangako sila sa isa’t isa ng ama eh, na kakalimutan na nila ang nangyari sa pamilya nila at pipiliting mag-move on.
Pinilit niyang punuin ng pagmamahal ang tatay niya para hindi nito maramdaman na may kulang pero hindi pala sapat ang naibigay niyang pagmamahal dahil hindi pala ito nakalimot.
Hindi nakalimot ang ama kahit kailan. Nakatatak dito ang nangyari sa asawa.
Kaya ganoon na lang ang galit niya sa ama dahil hindi ito tumupad sa pangako nila sa isa’t isa. At doon na nagsimula na maghirap silang lalo.
“You know, rain and tears are not a good combination.”
Nag-angat siya ng tingin sa lalaking may hawak na payong.
“Jigs…”
Ngumiti ito sa kanya. “Let’s get you home, pretty.”
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...