Chapter 4
SUZETTE IS preventing herself from throttling the guy in front of her but she’s slipping. Konti na lang talaga at ihahampas na niya ang tasang hawak sa pagmumukha nito. But on the second thought, hindi na lang pala. Sayang ang gwapong mukha nito.
Napailing siya sa naisip. Really? Parang nagiging hook na yata siya sa pagmumukha nito.
Bakit hindi pa ba? Tanong na isang bahagi ng utak niya.
“Pwede ba pakinggan mo muna ako bago ka mag-assume ng mga bagay-bagay.” Matiim ang titig nito sa kanya.
She didn’t reply.
Nang walang makuhang tugon mula sa kanya ay nagsalita ito. “Sorry if you felt insulted. Gusto ko lang talaga makatulong at hindi ko naisip na isa kang charity case ng bilhin ko ang mga pinamili mo. Hindi kita minamaliit kung iyan ang nasa isip mo. I just wanted to help and…” Nag-aalangan itong tumingin sa kanya. Tila ba ay sinusukat ang magiging reaksyon niya.
“And...?”
“At may hihingin sana akong pabor sayo.”
So, may kapalit pala ang pagtulong ng binata sa kanya. Oo nga pala, sino namang tutulong sa isang taong katulad niya? Gaya ng iba, ginagamit din pala siya nito.
Hindi niya ipinakita na nasaktan siya sa sinabi nito. “Ano namang pabor iyon?”
“Two weeks from now is my parents’ golden anniversary. Gusto ko sanang ikaw ang kumanta sa event.”
She sighed. “I’m sorry pero kahit gustuhin ko mang tanggapin ang hinihingi mong pabor ay hindi pwede. SA will not allow me. Trainee pa lamang ako, Mister Bautista and the agency doesn’t allow exposure to their trainees. Kaya hindi talaga pwede.”
“Pero bakit tinanggap mo yung event ni Richard at Jean?”
She needed to lie. “It was a favor from a friend.” Favor na may kapalit na pera.
“But you still did it.”
Suzette shrugged.
“I already talk to Albert and he agreed to let their artist to go to the party.”
Umiling siya. “No, hindi mo yata nakukuha ang gusto kong iparating, Mister Bautista. As you said, artist. I am a trainee at hindi pa ako isang ganap na talent ng SA. Kaya hindi ako sakop ng agreement niyo ni Sir Albert.”
Mukha namang naintindihan na nito ang ibig sabihin niya dahil napatahimik ito.
“Sorry sa kanina. I misunderstood you. Sige, kailangan ko ng umalis. Salamat na lang sa offer mo.”
Umalis na siya ng mall na hindi pa rin makapaniwala sa inakto niya sa harap ni Leroy. Paano niya naatim na ganunin ang isang CEO? Well, nadala siya ng bugso ng damdamin. Understood naman siguro iyon.
At mukha namang hindi nagtatanim ng galit ang binata kaya hinihiling niya na sana tama ang hinala niya.
Trabaho niya ngayon sa convenient store. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng mga paninda sa estante ng bumukas ang glass door at tumunog ang bell chime. Pumunta siya sa counter para hintayin ang customer at ipunch-in ang binili nito.
Pero nagulat siya ng isang delivery man ang tumambad sa kanya.
“Kayo po ba si Suzette Cano?”
Nagtataka siyang tumango. “Opo, ako nga iyon.”
“May nagpapabigay po.” Ibinaba nito sa counter ang mga pamilyar na eco bag. “Pakipirmahan na lang po.”
Wala sa sariling pumirma siya sa iniabot na papel nito.
Plano sana niyang ipabalik sa delivery man ang mga ito pero naawa naman siya rito dahil dagdag trabaho rin iyon kaya tinanggap niya na rin. At tsaka, hindi na siya magpapaka-ipokrita. Wala na talaga siyang makakain kung hindi niya ito tatanggapin. Kanina niya lang na-realize na sayang rin kung hindi niya tatanggapin iyon. Wala naman dito si Leroy kaya okay lang na tanggapin niya.
Pagkauwing-pagkauwi ay agad siyang dumiretso sa bahay ng landlady niya na malapit lang rin sa pinapa-upahan nito. Binayaran niya ang isang buwan sa tatlong buwan na hindi siya nakabayad.
Nagpasalamat ito sa kanya at humiling na sana ay bayaran na niya sa susunod ang natitira pang buwan na hindi niya pa nababayaran. Tumango na lang siya at nagpasalamat bago pumasok sa apartment. Alam niya kasi na nangangailangan din ito ng pera.
Binuklat niya ang pinamili ni Leroy at inilabas sa eco bag. Ang dami. Para na siyang bibitayin sa sobrang dami. Isinalansan niya ito sa kaliitang cabinet at ang iba ay inilagay sa mini fridge niya.
Muntik na siya mapatalon sa tuwa ng makita ang mamahaling brand ng mga tsokolate. Sa sobrang dami ay paniguradong tataba siya kapag naubos niya ito.
It isn’t a bad day, afterall.
Kahihiga pa lamang niya sa kama ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinabahan siya nang makita na si Sir Albert ang tumatawag. Napipilitan siyang sinagot iyon at hinanda ang sarili.
“Miss Cano, I called you because I’ve heard that you declined the offer of Mister Bautista to go to his parents’ golden anniversary. Why is that?” Walang pagbating anito ng lalaki.
She is nervous. Napaayos siya ng upo sa kama niya. “Yes, Sir. Kasi po nakalagay sa contract ko na hindi pwede ang kumanta sa mga event kaya tinanggihan ko ang offer ni Mister Bautista.” Maingat na paliwanag niya.
“You should just consult me first before you decline the offer, Miss Cano. Mister Bautista is a very well-known TV personality and it may affect the agency because of your decision.”
Napahawak siya sa sentido at hinilot-hilot yun. Sumasakit ang ulo niya dahil sa narinig. “Sorry, Sir. Hindi na po mauulit.”
She heard him sighed. “No, its okay. You also have a point. Just accept the offer and I give you permission to sing for that event. Next week, go to LB glassware company and meet him at his office. I’ll call him later to inform him that you accept his offer.”
“Noted, Sir. Thank you.”
Hindi na ito sumagot at ibinaba na ang tawag.
She sighed loudly. Sa huli pala ay ang lalaki pa rin ang nagwagi. Ayaw sana niyang tanggapin talaga iyon dahil alam niya na puro mayayaman ang mga nandoon. May allergy na yata siya sa mayayaman dahil hindi siya komportable na makasalamuha ang mga ito.
Ang problema nga lang niya ay kung paano kakaharapin at pakikitunguhan ang lalaki. Nakakahiya naman kasi ang pinagsasabi niya noong huli silang magkita. Nagalit pa siya at sinabihan ng kung anu-ano ang lalaki na nagmamagandang loob lang naman.
Napatampal siya sa noo at inuntog-untog ang sarili sa unan. Isa kang malaking tanga, Suzette!
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...