Chapter 22
KINABUKASAN, sinalubong si Suzette ng mga empleyado sa recording booth ng RB. May mga kakaibang ngiti ang mga ito sa kanya at parang tinutukso siya.
“Stop it, you guys.” She said.
Umakbay si Ate Trix sa kanya. “Hmmm, ano ba ang ginagawa namin, Suzy?”
Nag-yiieee ang mga ito pagkasabi ni Ate Trix ng pangalang tinatawag ni Leroy sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. “Hay naku, tigilan niyo ako ha.”
Nagtawanan lang ang mga ito.
“Oh, Suzette, don’t be shy. Kalat na kalat sa buong RB ang panliligaw sayo ni Chef Leroy. Iba ka din, girl. Ang gwapo ng manliligaw mo!” Kinikilig na sabi ni Cheena.
Medyo nagulat siya. Ang bilis naman makarating ng balita dito sa mga tao ng RB. Hindi na siya nagtaka kasi 12 lang naman ang empleyado ng RB.
May pag-aalala siyang tinignan ang mga ito. “Nag-aalala ako…”
Mukhang naintindihan ng mga ito ang ipinapahiwatig niya.
“Don’t worry, Suzette, walang magtatangkang magkalat noon. Nasabihan na kami ni Sam kahapon sa conference room. At tsaka hindi talaga namin gagawin iyon dahil lahat kami dito ay gustong maging maayos ang career mo.” Sabi ni Nerlyn.
“At tsaka takot lang nila sa akin.” Habol pa ni Ate Trix.
“Salamat ha…” Sabi niya sa mga ito. Nakatanggap siya ng ngiti at pagtango galing sa mga kausap.
“Pero curious lang, talagang nililigawan ka talaga ni Chef Leroy?” Tanong ni Karla sa kanya.
Nakatanggap naman ng batok ito galing kay Neng. “Malamang. Kakasabi lang kahapon ni Chef diba?”
“Aray naman. Parang nagtatanong lang eh.” Napasimangot si Karla at hinimas ang nabatukan ni Neng.
She looked at them. “Sa totoo lang, kahapon ko lang din nalaman na nililigawan niya pala ako. Kasi noong huling magkita kami ay sinabi niya lang na he’s falling for me. Tapos yun lang. Wala siyang sinabing liligawan niya ako. Kaya nga nagulat ako sa sinabi niya kahapon.” Kwento niya sa mga ito.
Totoo naman ang sinabi niya sa mga ito. Pero hindi niya pa talaga napag-iisipan ang tungkol sa mga sinabi ni Leroy kahapon sa kanya. Seryoso kaya ito? Sa tingin naman niya ay oo kasi kung hindi ay hindi nito ipapangalandakan kahapon na nililigawan siya nito.
Hindi niya rin alam kung anong sunod niyang gagawin. Parang hinahayaan na lang niya ang binata na gumalaw sa kanilang dalawa at siya ay mag-go with the flow na lang.
“Seryoso?!”Gulat na sabi ng mga ito sa kanya na tinanguan lang niya.
“Hell! Ang bilis ni Chef humokage.” Biro ni Cheena.
Nagtawanan na naman ang mga ito habang siya ay tahimik lang.
Is it okay for her heart and career to give him chance?
MAAGA siyang pinauwi ni Sam para makapagpahinga siya. The album was finished. And so far, she’s liking it. Walang halong biro, Sir C is really a genius.
Kaya naman ay konting changes na lang sa lyrics and tone ay tapos na ang album niya. Practice-practice na lang din ang ginagawa niya kapag pumupunta siya sa RB. Regular din ang check-up niya at masaya siya noong sabihin ni Doc Yerin na bumabalik na sa dati ang balikat niya at may tyansang makabalik siya sa pagsasayaw.
Nanonood siya ng Running Man ng tumunog ang door bell niya. Napatayo siya sa pagkakasalampak at tamad na pumunta sa pintuan. Nakasimangot niyang binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
Chick-LitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...