Chapter 8

2 1 0
                                    

Chapter 8

DAY OF LEROY'S Parents’ Golden Anniversary. Ginanap ang event sa hacienda ng mga ito sa Palawan. Malawak ang hacienda at may kalayuan sa dagat.

Alas-sais ng umaga ay may sumundo sa kanya at pinasakay siya sa private plane ng pamilya. Inihatid siya ng sumundo sa hacienda na dalawang oras ang layo mula sa Puerto Princesa.

Alas-otso ng gabi ang start ng party at sa oras na pamamalagi niya sa mansion ng mga Bautista ay hindi siya lumabas sa inilaang kwarto para sa kanya. Ramdam niya kasi ang pananakit ng buong katawan at mainit din ang pakiramdam niya.

Hindi pa rin sila nagkikita ni Leroy dahil abala ang binata sa pag-aayos ng party at idagdag pa na ito rin ang naghahanda ng mga pagkain, ayon sa kwentuhan ng mga katulong. 

Kaya nagpapasalamat siya na busy ang lalaki dahil baka mapansin nito ang iniinda niya sa katawan.

Hindi niya pa rin nakikilala ang mga magulang nito dahil abala rin ang mga ito. Siya naman ay bukod sa hindi kaya ng katawan niyang tumayo sa kinahihigaan ay nahihiya rin siyang lumabas.

Maya-maya ay tumawag si Sir Albert at kinamusta siya. Nagbilin rin ito sa kanya ng iilang bagay. Panay lang ang pagsang-ayon niya dahil nanghihina talaga siya. 

Noong katanghalian ay may nagdala sa kanya ng pagkain pero hindi rin naman niya ito nakain dahil nasusuka siya. Sobrang taas ng lagnat niya kaya ininuman niya ito ng gamot. Uminom rin siya ng painkiller at nagdasal na sana umayos ang pakiramdam niya bago magsimula ang party. 

Nang bandang alas-kwatro ng hapon ay nagising siya ng may kumatok sa pinto. Isang katulong ang napagbuksan niya at may dala itong box. Ibinigay nito iyon sa kanya at sinabing pinapabigay daw ni Leroy.

Binuksan niya iyon at nakita niya ang isang silver gown na half-slip at medyo mababa ang tabas sa dibdib. Mabuti na lamang ay takip ang likod at balikat niya dahil kung hindi ay makikita ng lahat ang pasa niya sa balikat at tagiliran. Kasama ng gown ang high heels na kulay beige. Nagpasalamat siya ng hindi gaanong kataasan ang heels nito.

Dahil sa mga nangyari sa kanya ay nawala na sa isip niya ang mga isusuot. Mabuti na lamang at nagpadala si Leroy dahil kung hindi ay siguradong matataranta siya.

GANAP ng alas-otso ng gabi nang lumabas siya ng kwarto. Rinig niya na ang ingay sa hardin ng mga bisita kaya nagmamadali siyang lumabas.

Mabuti at natakpan ng make-up ang pagkaputla niya. Hindi rin siya nahirapang itago ang mga pasa dahil sa damit. Pero ang loob ng katawan niya ay mainit at nag-aalala siya na baka mawalan siya ng malay sa kalagitnaan ng party.

Nang makarating sa hardin ay nakita niya ang napakaraming bisita ng mga Bautista at ang napakagandang-ayos ng hardin. Nagmukhang isang grand ball ng isang sikat na hotel ang hardin at nagkikislapang mga ilaw sa buong paligid. Pero ng mga sandaling iyon ay hindi niya na-appreciate ang mga iyon.

Nagsimula na namang sumama ang pakiramdam niya kaya lumapit siya sa isang katulong at humingi ng isang basong tubig na agad naman nitong ibinigay sa kanya. Nagpunta siya sa madilim na bahagi ng hardin kung saan walang tao at kinuha ang painkillers na ibinigay pa ng doktor sa clinic ng SA kagabi sa kanya. Uminom siya ng tatlong tableta at grabe ang pagdadasal niya na huwag mag-collapse habang kumakanta siya.

KANINA pa patingin-tingin sa paligid si Leroy at hinahanap ang dalagang kanina pa niyang gustong makita.

Alam niyang dumating na ito kaninang umaga pero hindi niya nagawang dalawin ito dahil nagka-problema ang mga tao niya sa mga ingredients na kakailanganin niya para sa mga lulutuin niya. Gusto man niyang tumakas ay hindi maaari dahil sa sobrang busy niya at may responsibilidad siyang kailangang gawin.

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon