Chapter 10
NAGING ABALA si Leroy sa trabaho o mas tamang sabihin na inabala niya ang sarili para hindi maisipang pumunta sa kwarto ni Suzette.
Gusto niyang kapag nagkita na sila nito ay malinaw na ang pag-iisip ng dalaga. Sa nasaksihan niya nakaraan ay mukhang gusto pang mapag-isa nito.
Kahit gustuhin man niyang pumunta at kausapin si Suzette ay pinigilan niya pa rin ang sarili. Ayaw niyang makadagdag pa sa pinagdadaanan nito.
Kaya pinagkasya na lang niya ang sarili na makibalita sa ina at mga katulong sa mansion.
Narinig niya sa ina na maayos na ang dalaga pero kapag dinadalaw niya ito sa gabi ay naririnig niya pagminsan ang mahihinang paghikbi at pag-iyak nito. Kaya mas lalo siyang nawalan ng pagkakataon na makausap ito.
Gusto niyang tanungin kung anong nangyari dito o kung sino ang gumawa ng ganoon sa kanya. Gustung-gusto niyang malaman iyon. Pero tila siya aso na nakadungaw lang sa pinto nito pero di naman niya magawang buksan ang pinto.
Naisip na rin niyang magpa-imbestiga pero pangingialam iyon sa buhay ng dalaga. At sa konting panahon na nakasama niya ang babae ay masasabi niyang ayaw nitong pinanghihimasukan ang buhay nito.
Ayaw niyang makagawa ng mas lalong magpapasama ng imahe niya sa dalaga. Lalo na at unti-unti ng inookupa ng babae ang laman ng utak niya.
Kung nagrereklamo lang utak niya ay paniguradong matagal na itong nagsalita. Puro trabaho at ang dalaga lang ang nasa laman ng isip niya.
Masyado siyang nag-aalala sa dalaga na kahit sa trabaho niya ay naiisip pa rin niya ito.
One week is enough. Sapat na siguro ang isang linggong ibinigay niya sa dalaga para makapag-isip ito. Miss na miss na niya ang dalaga at mababaliw na siya kung hindi ito makikita.
Kaya habang kumakain ay napagdesisyunan niya na pupuntahan niya ang dalaga pagkatapos. Buong araw rin siyang nasa labas ng hacienda para magtrabaho.
Nang matapos kumain ay excited siyang umakyat sa kwarto ng dalaga. Ang lakas pa ng tibok ng puso niya.
Shit! Nababaliw na talaga siya.
Pero ganoon na lamang ang pagkabigo niya ng hindi makita ang babae. Nilibot na niya ang buong palapag pero ni anino ng dalaga ay hindi niya nakita.
Doon lamang siya nagpanic. Iniwan na ba siya ng dalaga? Bakit naman ganoon kabilis?
Shit naman!
Napansin yata ng ina niya ang pagkabalisa ng makita siya nito kaya tinanong siya.
"Ma, iniwan na niya ako." Nanghihina kong sabi. Nilikob ng takot ang puso ko ng maisip na baka iniwan na talaga siya nito.
Napakunot ang noo ng ina. "Anong iniwan? Hoy Leroy! Hindi mo naman kasintahan ang magandang dalaga na iyon kaya huwag kang magmukmok diyan na parang nobya mo iyon!" Naiiritang sabi nito sa kanya.
Sumama ang tingin niya sa ina. "Ma naman... Baka alam mo kung nasaan si Suzette, mababaliw na ako, Ma! Gusto mo bang mamental ang anak mo?"
"Heh! Anong mamental? Matagal ka ng takas sa mental kaya tumigil ka diyan." Piningot nito ang tenga niya kaya napaaray siya at agad na hinaplos ang piningot na tenga ng ina.
"Umuwi na siya. Ikaw kasi hindi mo man lang dinalaw. Kapag talaga hindi na bumalik si Suzette dito, malilintikan ka talaga sa akin."
Lalong sumama ang hilatsa ng mukha niya. "Ma, bakit ngayon mo lang yan sinabi?"
Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya para magbihis. Hindi na niya pinakinggan ang sinasabi ng ina.
Mukhang gusto talaga ng ina niya si Suzette. Well, ma, huwag kang mag-alala. Gusto rin ng anak mo si Suzette.
Agad niyang tinawagan ang sekretarya at pinahanap ang address ni Suzette. Binantaan pa niya ito na kapag hindi agad nahanap nito ang address ay maghanap na ito ng bagong trabaho.
Mukha namang natakot ito sa banta niya dahil nasa eroplano pa lamang siya at agad na nitong in-email sa kanya ang nahanap nito.
Good. Tataasahan niya ang sahod nito.
Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog siya.
KALAGITNAAN na ng gabi ng makarating siya sa Maynila. Agad siyang sumakay sa inihandang kotse ng sekretarya niya at pinuntahan ang address ng apartment ng dalaga.
Nang makarating doon ay lalo siyang nagtaka sa naabutan.
Si Suzette. Nakaupo ito sa labas ng isang apartment na siguradong inuupahan nito. Kipkip nito ang dalawang malaking maleta at nakayupyop lang ang ulo nito sa mga tuhod.
Agad siyang lumabas sa kotse at habang nilalapitan ang dalaga ay rinig niya ang paghikbi nito.
"Suzette..." Tawag niya sa dalaga.
Nag-angat ng tingin ang babae at pagkakita sa kanya ay hindi niya inaasahan ang ginawa nito.
Yumakap ang dalaga sa kanya ng mahigpit habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya malaman ang gagawin kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan at hinaplos-haplos ang likod nito.
Sa itsura nito ngayon ay mukhang pinalayas ito sa apartment na ilang langaw na lang yata ang pipirma. And again, his heart constricts with the scene he witnessed.
Hinayaan niya lang na umiyak ang dalaga hanggang sa makatulog ito sa balikat niya.
He felt pain looking at her. Ayaw niya ng makitang nabibigo ang dalaga kaya pangako niya sa sarili na hanggat kaya niya ay papasayahin niya ito.
He can do that! And he will.
Maingat niyang dineposito ang dalaga sa passenger seat ng dalang kotse at binalikan ang mga gamit nito.
Pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa condo niya. Doon niya muna papatulugin ang dalaga hangga't hindi niya pa ito nakakausap.
Baka pagtaguan na naman siya nito. Hindi pa man din ito masyadong gumagaling kaya kailangan niyang bantayan ito.
Nang maiakyat ang dalaga sa condo ay agad din siyang lumabas para ang mga gamit naman nito ang iakyat niya. May kabigatan ang mga maleta nito pero kaya naman niya.
Nang makapagbihis siya ay agad siyang lumapit sa dalaga at sinalat ang noo nito. Medyo mainit ang dalaga. Natataranta niyang tinawagan ang doktor ng pamilya.
Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng malaman na normal lang ang lagnatin si Suzette dahil nasa phase pa lang ito ng recovery. Inutusan siya ng doktor na punasan ito ng maligamgam na tubig.
Agad naman niyang sinunod ang utos ng doktor. Ang hamon lamang sa kanya ay kailangan niyang palitan ng damit ang dalaga. Ang kaso ay siya lamang ang nandoon sa condo. Kaya grabe ang pagpipigil niya sa sarili at dahan-dahan itong pinalitan ng damit.
Shit! A real temptress! What I'm gonna do to you, Suzette?
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...