Chapter 21
THREE DAYS passed after their dinner but Suzette still hears Leroy confession inside her head. She was really shocked. Hindi niya inaasahang may gusto pala ito sa kanya.
Kaya pala ganoon na lang ito kung itrato siya. Pero wala talaga sa hinagap ng isip niya na magkakagusto ito, let alone fall for her. Doon niya rin na-realize na baka siya ang tinutukoy nito sa interview nito. Tama naman dahil kaibigan lang ang turing niya dito.
Naguguluhan siya sa kung paano iha-handle ang confession nito kaya nauwi na lang ang dinner nila sa mga sinabi nitong bibigyan daw siya ni Leroy ng panahon para mag-isip.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng araw na iyon basta ang natatandaan na lang niya ay hinatid siya ni Leroy sa condo niya tapos nagpaalam na ito bago umalis.
She admits that she felt elated but there’s a part of her that still doubting him. Maybe Leroy was only toying her or he found her amusing and challenging that’s why he tried his luck to her.
She doesn’t know. The only thing she knew was to avoid Leroy because he was a distraction for her. And allowing herself to be with him is a risk. He can ruin herself, her career, and her future.
Kaya magmula ng araw na iyon ay hindi niya na sinagot ang mga tawag at text nito. Mabuti na lang at hindi ito pumupunta ng condo niya dahil mapipilitan talaga siyang makita ito.
Kaartehan mang sabihin pero natatakot lang naman siya. Matagal ng nakaplano ang buhay niya, may goal siya at may mga taong umaasa sa kanya. Kaya hindi pwedeng padalus-dalos siya, kahit gusto niya rin ang binata.
“Suzette, ready?”
Pagkausap sa kanya ni Sam. Photoshoot niya ngayon para sa cover ng album niya at para sa introduction na kailangan. Nasa rooftop sila ng RB dahil gumawa ang mga staff ng backdrop na hindi green screen. She really appreciated what their staffs made and created just for her. Napakalaki ng tulong sa kanya ng mga ito at habang patagal ng patagal silang magkakasama ay nakikilala niya ang mga ito. Mababait ang mga ito pero mga strikto pagdating sa trabaho.
Mabuti na lang rin at pwede na niyang tanggalin ang cast niya pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat. Medyo sumasakit pa kasi pagminsan ang balikat niya. Umiinom pa rin siya hanggang ngayon ng mga gamot para sa mga injury niya.
Tumango siya kay Sam.
“You look stunning, Miss Suzette.” Nakangiting puri sa kanya ni Elleya na lumapit sa kanya.
As usual, malaya ang mga staff na manood sa kanya maliban sa guard ng building na si Mang Itoy. Iyon naman ang nagustuhan niya kay Sam. Hindi ito mahigpit sa trabaho at hinahayaan niya ang mga empleyado nitong magpahinga minsan.
Kung tutuusin ay pwedeng i-take advantage ng mga staff ang kabaitan at kaluwagan ni Sam pero sadyang mga masisigasig ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. Kaya naiitindihan niya rin si Sam kung bakit ito ganoon. Malaki kasi ang tiwala nito sa mga empleyado nito.
Katunayan nga ay hinahayaan lang nito ang mga staff nila na away-awayin at alaskahin si Sam ng mga empleyado nito.
“Salamat, Elleya. Tsaka Suzette na lang itawag mo sa akin.” Ngiti niya pa rito.
“Sige, Suzette.” Sagot naman nito. Lumapit ito sa kanya lalo para bumulong. “Suzette, kanina pa po namin napapansin na parang may malalim kang iniisip. Okay ka lang po ba?”
Bahagya siyang nagulat. Napapansin pala ng mga ito ang minsang pagkatulala niya. “Ayos lang ako, Elleya. Salamat.”
Hindi na ito nagkomento pero bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...