Chapter 7

2 1 0
                                    

Chapter 7

FOR A WEEK, Suzette have been avoiding Leroy.

Leroy kept on calling her but she never answered. Sa secretary ng lalaki siya nagpapadala ng updates. Via email niya rin isinend ang kanta na dapat ay may rehearsal.

Hindi naman siya napilit ng lalaki na makipagkita dito. Nagulat pa siya ng wala siyang nakuhang warning calls galing sa direktor ng SA.

Mukhang hindi siya isinumbong ng binata kay Sir Albert dahil sa pag-iignora niya ng tawag nito.

Umiiwas siya sa lalaki dahil na-realize niya na masiyado na niyang hinahayaang matibag ni Leroy ang pader na itinayo niya.

Leroy is very unhealthy for her heart and career.

Sikat ang binata at kung mali-link siya dito ay siguradong masisira ang career niya na binubuo niya. Kahit hindi niya aminin sa sarili ay may kakayahan si Leroy na pawalain siya sa sarili.

As in super crazy. Crazy na pwede pang-mental.

Kaya ang goal niya ay matapos lang ang event ng binata at goodbye Leroy na ang drama niya.

She doesn’t want unwanted emotions that can ruin her plans.

Kasalukuyan siyang nasa dance studio, nakaupo sa sahig at nagpapahinga. Katatapos niya lang mag-practice ng dance routine na itinuro sa kanila. Kaya ipinasak niya ang earphones at kinuha ang cellphone.

Nagsisipat siya ng mga recordings niya sa cellphone ng may humila sa earphones niya. Iniangat niya ang mata at nakita doon si Cynthia na para nang bulkan na sasabog dahil sa galit.

Dahil nga nakaupo siya sa sahig ng dance studio ay madali niyang nakuha ang cellphone na nabitawan niya ng hilain ni Cynthia ang earphone na nakasaksak pa sa tenga niya.

“Mang-aagaw ka talaga!” Sigaw nito.

Dahil sa pagsigaw nito ay nakaagaw sila ng atensyon sa loob ng studio. Nagtinginan sa kanilang dalawa ang iba pang trainees na nandoon. Pati na ang choreographer ng SA.

Napatayo siya sa kinauupuan at inirapan ito. “Ano ba ang pinagsasabi mo dyan? Hindi mo na naman siguro nainom ang gamot mo.”

Gigil na gigil itong sumigaw kaya napatakip siya ng tenga. Nakita niya pa ang bahagyang pagngiwi ng mga nakarinig sa babaeng kaharap.

Paborito talaga ng babae ang gumawa ng eksena kung saan kami ang artista.

Siyempre siya ang bida at ito naman ang kontrabida.

Tumalim ang mata nito. “Sa akin dapat ang event ni Leroy pero dahil inggitera ka ay inagaw mo!”

Nakarinig siya ng bulungan sa paligid. Napabuntong-hininga siya.

“Alam mo ba, ako dapat ang singer doon. Pero dahil nagmagaling kang babae ka ay kinuha mo. Anong ginawa mo, ha? Inakit mo siguro si Leroy kaya nakuha mo yung event? Malandi ka talagang babae ka!” Galit na galit ito.

Pinakalma niya ang sarili. “Pwede ba, Cynthia. Huwag nating pag-usapan yan dito. Stop making a scene. Mahiya ka naman.”

Tumawa ito ng sarkastiko. “So, ako pa dapat ang mahiya?” Tumingin ito sa mga trainees na kasama rin namin sa loob ng dance studio.

“Ikaw dapat ang mahiya. Ano kaya ang sasabihin ng mga kapareho mong trainees kung malalaman nilang nakakuha ka ng event ng hindi ka pa ganap na talent ng SA? That’s unfair for them.”

Napapikit siya sa narinig. Sabi niya na nga ba. Kaya ayaw niyang tanggapin itong event dahil alam niyang may masasabi ang mga kasabayan niyang trainees rin.

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon