Chapter 16

0 0 0
                                    

Chapter 16

SUZETTE IS CONFUSED. She doesn’t know why Leroy kissed her. Hindi naman ito nakainom at nasisigurado niyang hindi ito baliw.

Pero bakit nga?

Imposible namang magkagusto ito sa kanya. Is it? O baka nag-aassume na naman siya.

After that night, Leroy brought her home. Leroy said to her that he will be busy of the company. Iyon na ang huling pagkikita nila ng binata. Mas mabuti nga iyon dahil hindi niya rin alam kung paano haharapin ang binata.

Sa ngayon, dapat niya munang isipin kung tutuloy ba siya sa Rampa Bituin. One week had passed but still, she cannot decide.

Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkakataon na ang lumalapit sa kanya pero heto siya at nagdadalawang-isip. 

Siguro dahil natatakot siyang sumubok ulit. First agency niya ang SA at madami siyang natutunan talaga pero mas marami ang tumatak sa kanyang hindi magagandang alaala.

She glanced at the calling card of Sam Medina. Bahala na nga…

And she did the first thing that she wanted to do. She called him, Sam Medina.

NAKATINGIN siya ngayon sa harap ng two story building. Maliit lang ito pero maaliwalas ang paligid. May kalayuan din ito sa centro kaya medyo nahirapan siyang mag-commute.

Dito siya pinapunta ni Sam matapos ang pagtawag niya dito. Mas maganda daw kasing personal silang makakapag-usap. Medyo kinakabahan siya pero ganito din naman ang naging drill noong first time niyang pumunta sa SA.

Nang makapasok siya ay tahimik ang lugar. Maliban sa isang gwardya at isang receptionist ay wala ng tao sa loob. Mabuti na lamang at pinapasok din siya ng nagbabantay na gwardiya.

Unang sumalubong sa kanya ang malaking signage ng Rampa Bituin. May iilang litrato din ng mga hindi niya kilalang modelo.

Nakangiting humarap sa kanya ang babaeng receptionist at tinanong siya kung anong sadya doon.

“Hi, I’m Suzette Cano. Pinapapunta ako ni Mister Medina. I have an appointment to him.” I said. Mukha namang mabait ito dahil maaliwalas ang mukha nito habang kinakausap siya. Napatingin siya name plate nito, Elleya ang pangalan nito.

May kung anong pinindot ito sa harap nitong computer bago bumaling ulit sa akin. “You can go to second floor, yung last room po sa hallway ang office ni Sir Sam.”

She smiled at her. “Thanks, Elleya.” She managed to say and then climb the stairs. Wala kasing elevator ang building. Mabuti na rin at hindi siya na-trauma sa mga hagdanan matapos ang nangyari sa kanya sa SA.

Habang naglalakad sa hallway ng second floor ay napansin niya na ang iilang dressing room, at iilang parang conference room at opisina.

Marahan siyang kumatok sa pinto ng opisina ni Sam bago pinihit ang seradura. Nang makapasok siya ay naabutan niya si Sam na nasa sofa sa loob ng opisina nito at parang hinihintay agad siya.

Nang tuluyan siyang makapasok ay sinalubong siya nito at iginiya sa mahabang sofa. Umupo siya doon at hinayaang si Sam ang unang magsalita.

Sam sat across to her. “Thanks for considering my offer. That was one week of hell, waiting for you. I just can’t pass a talented person like you. Siguradong hindi ako makakatulog kung hindi kita napapunta dito.”

She smiled. “Thanks for offering me to be a part of your agency, Mister Medina.”

He chuckled. “No need to be formal. People here call me by my first name. You can call me Sam.”

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon