Chapter 5
Maaga pa lamang ay lumabas na si Suzette ng apartment para mag-jogging. Kaya nagulat siya ng tumawag ang isa sa kaibigan niya ng alas-sais pa lang ng umaga.
Sinagot niya ang tawag at iritadong nagsalita. “Ano na naman?”
Pumalatak ang nasa kabilang linya. “Suzette honey, why so grumpy?”
Naiinis siyang bumuntung-hininga. “Sino naman ang matutuwa kung may tatawag sayo ng alas-sais ng umaga? Hello?! Hindi mo ba alam ang working hours at ang aga mo tumawag.”
Tinawanan lang nito ang pagkayamot niya. “Well, punta ka ngayon sa office ko.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig sa kaibigan. “Ngayon?! Baka hindi mo alam na sobrang aga pa para papuntahin mo ko sa kaharian mo.”
“Hoy Suzette, common sense nga! Malamang hindi ngayong alas-sais, mamaya.” Mukhang na-bwisit niya ang kaibigan dahil dinig niya ang inis sa boses nito.
“Aba malay ko, Rey, linawin mo kasi.” Paninisi niya dito. “Teka, ano bang gagawin natin at kailangan ko pa talagang magpunta dyan sa madilim mong kaharian.”
Hindi nito pinansin ang panlalait niya sa opisina nito. “May kailangan tayong pag-usapan.” Naging seryoso ito.
“Kung tungkol lang yan sa ama ko, pwede ba, huwag mo ng ipaalam sa akin. I already cut my ties with him.” Pagbabago ng tono ng boses niya. Mentioning her father really irritates her.
Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. “Suzette, your father needs you. Please… Just be here later.” At ibinaba na nito ang tawag.
Nawalan na siya ng mood para ituloy ang pag-jo-jogging niya kaya umuwi na lang siya. Habang nagkakape sa kusina ng apartment niya ay napaisip siya. Ano pa bang kailangan sa kanya ng tatay niya?
Alam ng kaibigan niya na ayaw na niya makarinig ng kahit na anong balita na may kinalaman sa ama. Kaya nagtataka siya at tumawag ang kaibigan.
Tatlong taon na silang magkakilala ni Rey. Isa itong abogado at hawak nito ang kaso ng ama niya. Ang alam niya ay tapos na ang paglilitis sa kaso ng ama pero bakit na naman lumulutang ang baho ng pamilya niya?
“Please rise.” Mataman ang titig niya sa ama habang binabasahan ng sakdal.
“People of the Philippines versus Fernando Cano, the assailant was found guilty of all charges…”
Nagpalakpakan ang tao sa kabilang panig habang siya lang at si Rey ang nasa panig ng ama. Wala man lamang reaksyon ang ama niya sa nangyayari bagkus ay nakayuko lamang. May lumapit na dalawang pulis at inakay ang ama palabas ng korte.
Hindi niya magawang umiyak pero nanlambot ang tuhod niya kaya napaupo ulit siya. Nilapitan siya ni Rey, ang attorney na kinuha niya para sa ama.
“Huwag kang mag-alala, gagawan natin ng paraan para makalabas ang papa mo sa kulungan.” Sambit nito pero may konting pagdududa siyang narinig sa boses ng abogado.
Umiling-iling siya at patuyang natawa. “No. Don’t. Mag-aaksaya ka lang ng oras. Alam naman nating pareho ang katotohanan. At alam mong wala na tayong magagawa.” Hinarap niya ang kaibigan. “Rey, alam mong baon na rin kami sa utang dahil sa kanya. Kaya hindi ko na talaga kaya.” She sighed at sinabi sa binata ang mga salitang ikinagulat nito. “Just let him be…”
Wala mang puso ang sagot niya dito ay alam ni Rey na totoo ang sinasabi niya.
He did it. So, he must pay the consequence.
Simula noon ay hindi na dumalaw ang dalaga sa ama. Pinutol na rin niya ang koneksyon niya rito. Pero matigas ang ulo ng kaibigan na abogado na wala ng ginawa kundi kulitin siya ng kulitin. Kaya naging kaibigan na rin niya ito.
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...