Starry 69

3 0 0
                                    

Repleksiyon

Sa pagdako ng aking mga mata sa aking harapan
Nakita ko'y isang babae, tila nabagsakan ng matinding kamalasan
Mga mata'y walang kabuhay-buhay
Akala mo naman nasa isang lamay

Sino nga ba itong babae?
Tila napag-iwanan sa ere
Hindi ko yata siya makilala—
Sandali... Maaari ba kitang makilala?

Babae, sino ka ba?
Sino ka ba't hindi kita makilala?
Mukha mo'y aking kilala, ngunit sino ka?
Kakatwang isipin pero... Aking sarili, hindi na kita makilala

-bubuchibi

Starry NightWhere stories live. Discover now