Starry 24

26 2 0
                                    

"Tama na"

Sa likod ng iyong mga ngiti
Ay ang mga luhang umaagos sa iyong pisngi
Ang iyong mga tawang kay saya
Pero sa likod nito'y maraming mabibigat na problema

Sa umaga ay masayahin
Sa gabi ay iyakin
Ika'y ngumingiti pero hindi abot sa iyong mata
Pinipilit maging masaya kahit sa loob ay masakit na

Tama na ang pagpapanggap, tigilan mo na
Tigilan mo na ang pagngiti ng peke, ilabas mo ang iyong mga luha
Ilabas mo ang lahat ng sakit ng iyong damdamin
Ilabas mo at huwag mong kimkimin

Sabi nga nila, sa likod ng maiitim na ulap, may liwanag
Kaya't kapag nailabas mo na ang sakit na nadarama,
Tumayo ka at huwag mong hayaan na ang iyong mga problema ay gawin kang bihag
Bumangon ka at harapin ang mga problema ng may pag-asa

Starry NightWhere stories live. Discover now