Starry 73

4 0 0
                                    

A Day in The Pandemic Life of Babaita (a prose)

Alas-dose ng hatinggabi pero heto ako't mulat pa ang mga mata, pa-scroll scroll sa social media habang nakahiga sa kama. Magtutulug-tulugan kapag biglang pumasok si Mama o si Papa. Palibhasa, memoryado na ang mga yabag ng kanilang mga paa.

Sumapit ang ala-una ng umaga ngunit ganoon pa rin ang eksena.

Alas-dos, heto't nanonood naman sa YouTube pagkatapos ay lilipat sa Tiktok kapag nagsawa.

Alas tres, kumakatok na ang antok, pero huwag ako ang iyong sinusubok, matatalo kita sa isang suntok. Pero pagsapit ng alas-kuwatro, ay! Nakatulog ang hambog.

Mataas na ang haring araw ngunit ang babaita'y nananaginip pa, nakaawang ang bibig at maaari nang pasukan ng langaw. Ngunit hindi, polluted ang hangin sa bunganga kaya in the end, aalis ang langaw at hahanap ng ibang bungangang ang ngipin ay hindi manilaw-nilaw.

Alas-diyes ng umaga, ako'y gigising ngunit hindi babangon. Babangon lamang upang kunin ang minamahal na cellphone. Hihiga ulit ng isang oras saka babangon para lumamon. Gutom na ang alagang mga dragon kaya heto't magluluto ng itlog at pancit canton.

Sa kwarto nagaganap ang mukbang ng mga gutom na dragon sa tiyan kong walang abs ngunit maraming tabs. Talo ang wedding cake ni Aling Marites sa layer nitong cute kong tummy na hindi naman yummy.

Manonood ang babaita ng anime o di kaya ay movie sabay lamot ng canton na mas mahaba pa sa huli niyang relasyon. Ganoon, dumaan ang maghapon.

Darating ang gabi, maghahapunan at magpupuyat na naman.

Hindi na ito bago, ito na ang nakagawian ko. Dumating ang pandemya'y unti-unting nagbago. Ganito na ang buhay ko. Paulit-ulit. Sa totoo'y nawawalan na ako ng gana, hindi na ito nakakatuwa. Tambak na modules, tinatamad gumawa. Malayong-malayo sa noong todo effort sa eskuwela.

Gigising, kakain, maliligo, mag-aaral, kakain, gagawa ng gawaing bahay, kakain, matutulog. Ganyan ang ikot ng buhay ko ngayon. Napakasimple. Paulit-ulit. Wala bang remote para irewind ang nakaraan?

Hahaha! Nabaliw na ang gaga. Tinanong pa, alam na ngang wala.

Ngunit ganoon nga talaga ang buhay. Wala na tayong magagawa. Ang nakaraan ay hindi na maibabalik pa. Kaya naman ang mapabuti ang sitwasyon ng ating mundo ang hangad lamang nitong babaita.

A/N: Hope you're alright! Be safe always😉
                                    Love, Bubuchibi

Starry NightWhere stories live. Discover now