Starry 12

38 7 0
                                    

"Nararamdaman"

Ako'y litong lito at naguguluhan
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman
Hindi ko mabatid kung anong nais ipabatid
Nang aking pusong kay bilis tumibok kapag ika'y nasa paligid

Ako'y palaging kinakabahan kapag ika'y kasama
Ako'y tuliro at hindi alam ang gagawin kapag nandiyan ka
Palaging nauutal kapag ika'y nagsimula na akong kausapin
Ano ba itong aking nararamdaman at ganito ang epekto saakin?

Akin itong itinanong sa aking mga kaibigan
Ngunit hindi eksplanasayon ang kanilang itinugon kundi pawang mga hagikhikan
Pinitik-pitik pa ang aking noo at sinabing ialog-alog ito para naman ako'y malinawan
Ngunit ang aking panga'y nalaglag nang sabihin ninyong ang lalaking iyon ay aking nagugustuhan

Masaya akong sawakas ay hindi na ako naguguluhan
Ngunit wala kang alam sa aking nararamdaman
At ramdam kong ang turing mo sa akin ay hindi na hihigit pa sa kaibigan
Masakit para saakin pero tanggap kong hanggang kaibigan mo lang ako dahil may iba kang nagugustuhan

Starry NightWhere stories live. Discover now