Starry 10

38 7 0
                                    

"Inang Kalikasan"

Sa ating henerasyon ngayon,
Maraming mga pagbabago ang nangyayari sa ating mundo taon-taon
Umunlad ang ekonomiya at umusbong ang modernong teknolohiya
Ngunit kasabay yata ng pag-unlad ng ekonomiya ang pagkalimot natin sa kalikasan at tila naging pabaya

Sa ating paligid, maraming mga nakakalat na basura,
Maraming puno ang naputol at maraming mga bundok ang nakalbo na,
Maruming hangin na dulot ng polusyom dahil sa napakaraming mga sasakyan at paktorya
Magbubulag-bulagan pa ba tayo at walag gagawin kundi tumunganga?

Pansinin natin ang mga nangyayari ngayon,
Painit na nang painit ang ating klima,
Ang mga bagyo ay lumalakas na,
At mga natural na kalamidad ay napapadalas na,
Huwag na sana tayong maging bulag sa mga nangyayari at imulat ang ating mga mata

Ang Inang Kalikasan ay umiiyak na
Kailangan niya ang ating tulong at kalinga
Tayo sana'y kumilos na at huwag maging pabaya
Dahil baka kapag hindi tayo kumilos ngayon ay magsisi tayo kung saan ang lahat ay huli na.

---

Inspired by: Lady XX/Allexisz

Starry NightWhere stories live. Discover now