Starry 52

21 1 0
                                    

"Bihag"

Hapagkainan nila'y punong-puno, pero sa iba'y halos wala nang maihain sa lamesa.
Tiyan nila'y busog, pero sa iba'y tinitiis ang kalam na nadarama.
Baon nila'y sobra-sobra na, pero minsan ay nanghihingi pa.
Samantalang sa iba'y sampung piso ay sapat na.

Sa sabado't linggo'y gala ang kanilang inaatupag.
Habang ang iba'y kumakayod para sa pamilya man lang ay may maiambag.
Sila'y nabubuhay na nga nang marangya, pero gigising lang ng maaga para mag-aral ay wala pang kasipag-sipag.
Kompara naman sa iba na sa kahirapan ay parang isang bihag.

Makunteto ka sana kung ano ang mayroon ka,
Dahil pinapangarap lang iyan ng ibang sa pera ay walang-wala.
Pahalagahan mo sa sana ang iyong buhay na marangya.
Dahil ang iba'y, sa rehas ng kahirapan ay hindi pa makawala.

Starry NightWhere stories live. Discover now