Starry 38

23 1 0
                                    

"Sa Likod ng Dilim"

Ako'y nakatitig sa bilog na buwan
Sa hindi ko malamang dahilan
Ako'y nagagandahan sa mga bituin
Yung tipong gusto ko pa nga itong abutin.

Ako'y napaisip ng malalim
Sa ibabaw ng lupa, mag-isa sa gabing madilim
Bakit kaya nangyari ang lahat ng ito?
Bakit kaya nagkaroon ng ganitong pandemiko?

Sa ating lahat, tila isa itong bangungot
Pero may maganda din palang naidudulot
Maraming nawalan ng hanapbuhay, maraming natigil na trabaho
Pero ating isipin kung bakit nga ba nangyari ang lahat ng ito

Nagpapagaling ang ating Inang Kalikasan
Tulad ng mga pasyente sa pagamutan
Natigil ang pagmimina at mga paktorya, pati na rin ang traffic sa EDSA
Nabawasan ang kumpol-kumpol na mga tao sa kalsada, dulot nito'y nabawasan ang pagtatapon sa kung saan-saan ng mga basura

Huwag tayong mawalan ng pag-asa
Ito'y isa lamang pagsubok sa masa
Tayo'y manalig sa Diyos at manampalataya
May katapusan din ang pandemikong ito, "Walang Forever" ika nga nila.

Starry NightWhere stories live. Discover now