Starry 5

59 10 2
                                    

"Pangatlo"

Isa, dalawa, tatlo
Tatlong beses na ito'y naulit ulit
Akala ko ika'y magbabago
Pero mukhang hindi, inulit mo lang ulit

Mga luhang humahaplos sa aking pisngi
Dulot ng aking pagkasawi
Puso kong nadudurog na parang naging bubog
Sa kadahilanang ako'y sobrang nasaktan na parang nabugbog

Nasaktan kita alam ko
Pero mas nasaktan ako sa ginawa mo
Nasaan na ang iyong mga pangako?
Natatawa ako dahil ito'y muling napako

"Maghihintay ako pangako"
Yan ang mga katagang pinanghahawakan ko
Pero magmumukha lang ata akong tanga
Dahil may iba ka na, kaibigan ko pa

Napatawad na kita, noon pa
Ngunit hinding hindi ko makakalimutan ang panlolokong iyong ginawa
Sabi ko, hintayin mo'ko at kakalimutan ko lang ang lahat ng sakit
Pero imbes na ito'y makalimutan ko, dinagdagan mo lang ang aking mga ala-alang mapapait

Matatanggap ko sana kung hindi siya
Pero nakakatawa, kaibigan ko na nga, tinarget mo pa
Hindi ka na nagbago
Kung hindi man ako nagkakamali, ito na ang pangatlo

Sa ikatlong pagkakataon, oo nakakaloko
Dahil  yung nakaraan naulit lang muli nang dahil sayo
Hahaha baka naman kasi sayo at sa kanya magkakaroon ng kayo
Pero sa atin, mukhang wala ng pag-asang magkabalikan muli tayo

Sa ikatlong pagkakataon, magpaparaya ako
Papalayain na  kita, hahayaan na kita sa kanya
Dahil ang gusto ko lang naman mahal ko
Sana kahit hindi na sa akin, ika'y lumigaya

Masakit man sa akin
Pero aking tatanggapin
Ako'y muli na namang magpapaalam sa'yo
Kaya paalam mahal, sana maging kayo

Starry NightWhere stories live. Discover now