Starry 9

41 7 1
                                    

"Writer's block"

Napako ang aking tingin sa blanko at puting screen ng aking laptop
Ang aking mga daliri ay hindi makagalaw at nanatiling sa keyboard na nakapatong
Ang aking isipan ay blangko din at walang maisip
Pilit akong nag-isip pero walang lumabas na ideya sa aking isipan at nanatili ang aking mga matang nakapikit at ang aking mga kilay na magkadugtong.

Sinubukan kong magpatugtog ng kanta para ganahan
Sumimsim rin ako ng kape na karaniwan kong ginagawa kapag ako ay nagsusulat
Pero wala talaga! Hindi ako pinapayagan ng aking utak at kamay sa aking nais na gawin
Nais kong magsulat sana dahil ito ang aking hilig na gawain
Ngunit nanatiling blangko ang screen ng laptop at wala akong ibang nakikita kundi puti

Sinubukan ko ring basahin ang aking mga ginawang kuwento nito lang nakaraan
Pero may napansin ako habang binabasa ito,
Ni hindi ko yata ito maramdaman
'Anong nangyari saakin at ako'y nagkaganito?'


Starry NightWhere stories live. Discover now