Starry 26

29 2 0
                                    

"Ayos lang ako"

"Ayos lang ako," iyan ang palaging sinasabi ko
Pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon totoo
"Ayos lang ako," iyan ang mga katagang ang daling sabihin
Pero bakit ang hirap naman yatang gawin?

Saya, iyan ang hindi ko mahanap-hanap
Gusto ko lang naman na maging masaya, pero bakit ang hirap?
Lagi akong gumagawa ng mga tula para sa mga nawawalan ng pag-asa
Ngunit bakit lahat ng mga salitang ginamit ko sa tula,
Sa sarili kong buhay, hindi ko magawa?

Kaya ko namang ipinta ang ngiti sa aking mukha
Pero nakita ko sa salamin, hindi ito abot sa aking mga mata
Tama na siguro ang pagpapanggap ko
Tama na, ayoko na, titigil na ako

Hindi ko na kaya pang itago ang sakit
Hindi ko na kaya pang ngumiti ng pilit
Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang pagpapanggap ko
Ayoko na, hindi ko na kayang sabihin na "Ayos lang ako."

Starry NightWhere stories live. Discover now