Starry 3

85 11 0
                                    

"Naaalala Ko Na"

Naaalala mo pa ba noong tayo pa?
Noong mga panahong tayo pa ang magkasama
Mga ngiting nakaguhit sa ating mukha,
Tila walang problema at walang pangamba

Naaalala ko pa noong tayo'y unang nagkita
Tayo'y nagkabanggaan at nagkatitigan
Inabot mo ang iyong kamay at nagpakilala
Hanggang sa tayo'y naging magkaibigan at tuluyan nang nagka-ibigan

Naaalala ko pa noong ako'y iyong linigawan
Mga rosas, tsokolate ang iyong hinahawakan
At ibibigay sa akin pagkatapos mo akong kantahan
Ngunit tila naulit ang nakaraan, ngunit sa iba naman

Naaalala ko pa noong ako'y iyong ipinakilala
Sa harap ng iyong mga kaibigan at pamilya
Ika'y proud na proud na ako'y iyong nobya
Ngunit ngayon, may ngiting nakapinta sa iyong mukha
Habang ipinapakilala naman ang iyong bagong nobya

Naaalala ko pa noong ako'y iyong pinangakuan
Na ako lang wala ng iba, hanggang sa kamatayan
Nangako kang hindi mo ako iiwan at bibitawan
Ngunit tila iyong kinalimutan ang mga pangakong iyong binitawan

Naaalala ko pa ang lahat ng ating pinagsamahan
Ang ating mga tawanan, yakapan at lalo na ang ating pag-iibigan
Naaalala ko pa ang lahat, simula una hanggang sa hulihan
Ngunit tila ako lang yata ang nakakaalala,
at tila nabura na ang lahat sa iyong isipan

Ako'y nagpapasalamat ng lubos sa iyo
Sa iyong pagmamahal sa isang katulad ko
Marami akong natutunan, salamat mahal ko
Pero tila natauhan ako ng husto
Wala nga pala akong naging nobyo🥴

Starry NightWhere stories live. Discover now