Starry 36

30 2 0
                                    

"Sunud-sunuran"

Huwag ninyo akong pilitin
Pakiusap, ayoko ng maging alipin
Huwag niyo naman sana akong ipagpilitan
Kahit ngayon lang, ako'y inyong hayaan

Buong buhay ko, sinunod ko kayo
Walang kahit na anong reklamo ang lumabas sa bibig ko
Pati pangarap ko, sinukuan ko para sa inyo
Pero pakiusap, hayaan naman sana ninyo akong magdesisyon para sa buhay pag-ibig ko

Kayo ang nagdesisyon ng lahat para sa akin
Salamat, pero kahit ngayon lang, ako naman ang inyong papiliin sa gusto kong gawin
Patawad, labag man sa aking loob ang sumuway
Pero ayoko, ayokong magpakasal sa hindi ko gustong makasama sa ligaya't lumbay

Starry NightWhere stories live. Discover now