Starry 11

38 8 1
                                    

"Klasmeyt"

Natatandaan ko pa kung paano tayo nagkakila-kilala
Sa isang silid aralan, kasama ang adviser nating makuwela
Hanggang sa tayo'y naging malapit sa isa't isa
At ang turingan na ay parang isang malaking pamilya

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga panahong tayo'y magkakasama
Lalo na ang mga asaran, iyakan at halakhakan na ang president pa natin mismo ang nagsisimula
Kasama ang adviser natin na sinasakyan ang ating mga walang kwentang trip
Sabay magjojoke at lahat naman tayo, on the trip!

Parang kailan lang noong tayo'y magkakasama pa,
Nanonood ng movie, lahat tayo, sama-sama
Pero ngayon, hindi na halos tayo magkita
Hanggang video call at chat nalang ang ginagawa

Hindi ko aakalain na matapos ang ating pagsasama ng ilang buwan at umabot na sa siyam
Ay magkakahiwalay-hiwalay lang tayo nang ganun-ganon, walang pang paalam
Ni walang ideya na iyon na pala ang mga huling sandaling masilayan ang ating silid-aralan
Tayo'y natapos na lang nang walang paalam dahil sa coronavirus na siyang dahilan

Starry NightWhere stories live. Discover now