Chapter 5

204 5 0
                                    

SINAMA ako ni Uno sa Tagaytay dahil magkakaroon siya roon ng bagong bubuksan na branch ng restaurant nila. May bahay naman siya sa Tagaytay at doon kami titira.

Pinagleave niya ako sa trabaho ng isang linggo dahil madami siyang aasikasuhin doon. Hindi niya raw ako masusundo at maihahatid dahil kailangan niyang magstay dito sa Tagaytay.

"Saan ang room ko?" tanong ko sa kaniya pagkaakyat namin sa second floor ng bahay niya. Malaki ang bahay niya.

"You stay in my room," saad niya habang may katext sa telepono. Bitbit niya ang duffel bag namin. Ang isang maleta ko ay inakyat na ng kasambahay niya.

Pagpasok sa master's bedroom ay namangha ako sa view. Kitang-kita ang Taal. "Magkasama tayo rito sa iisang kuwarto?" tanong ko sa kaniya.

"Yes. Bakit, ayaw mo ba akong makasama rito?" Hinagis niya ang hawak niyang cellphone sa kama at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa baywang.

Naghuhurumintado na naman ang puso ko sa pagkakadikit ng katawan namin. Namimiss ko na si Uno. Syempre gusto ko siyang makasama dito sa iisang silid. Naging abala kami nitong mga nakaraang araw.

"Hmmm..." Nakahawak ako sa kaniyang dibdib at tumingin lang sa kaniya. Naghihintay sa susunod niyang gagawin.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Unti-unti ay bumaba ang kaniyang labi sa labi ko. Banayad na halik ang ginawad niya sa'kin. "Gusto mo ba na sa ibang k'warto ka matutulog?"

Hindi naman gano'n ang gusto ko. Tinutukso niya akong halikan sa pisngi, sa panga pati na sa tainga banda. Parang sinasadya niyang akitin ako. Nagsisimulang uminit ang pakiramdam ko. Napapikit ako habang pino niyang hinahalikan ako sa panga tapos ay ibabalik niya sa pisngi at malapit sa labi. I loudly gasped. Bumaba ang isang kamay niya sa pang-upo ko at marahan na minasahe iyon.

"Ohh... Uno." Hindi ko napigilang mapaungol sa ginagawa niyang panunukso sa akin. Nagsisimula nang mabasa ang ibaba ko.

Napatigil siya sa ginagawa nang tumunog ang kaniyang cellphone. "Damn it!" mahina niyang pagmumura.

Hindi tumigil ang pagtunog ng phone niya. Mukhang importante. "Sagutin mo. Baka importante," saad ko sa kaniya. Bahagya ko siyang tinulak para kumilos.

He heaved a deep sigh.  Kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag. Nilahad niya ang kamay para lumapit ako sa kaniya. Sinunod ko naman siya at niyakap ako.

"Yes, Sandra?"

Napatingala ako sa kaniya at bumitaw sa pagkakayakap niya nang marinig kung sino ang kausap niya sa kabilang linya.

"Alright. Next week pupuntahan ko. Bye!"

Nakasimangot akong umupo sa gilid ng kama. Nakangisi siyang lumuhod sa harapan ko. "Ano ba?!" mataray kong inalis ang kamay ko nang hawakan niya iyon.

Nawalan ako nang gana. "Masiyado namang nagseselos ang Ellie ko." Panunukso nito sa'kin.

Sinisimulan niya akong halikan sa leeg ko. "Ano'ng kailangan niya? S-aan kayo pupunta next week?"

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa'kin. "Pupuntahan namin ang branch ng restaurant na bubuksan namin na dalawa sa Baguio. Isang malaking restaurant iyon na lalagyan ko ng function rooms na siya ang may hawak."

Mas lalo akong naiinis. Magkakasama sila sa Baguio?

"I-lang araw kayo doon?"

"Hmmm... Two days lang. Saka kapag naayos na namin ang pagbili ng property, mas magiging madalas na ang pag-akyat namin sa Baguio para masimulan na ang construction. You know Sandra, she's very hands-on when it comes to business."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon