Chapter 31

260 2 0
                                    

ELLIE

"MOMMY I'M scared." Yumakap sa baywang ko ang anak ko habang nakaupo siya sa kama at ako naman ay nakatayo sa harap niya. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

Yumuko ako at hinalikan siya sa ulo. "Don't be scared, baby. Mommy is here."

"Is daddy going to pick up us here?"

Napalunok ako sa tanong ng anak ko. Lumuhod ako sa harap niya para makita ang kaniyang mukha. Hinaplos ko ang magkabila niyang pisngi at ngitian siya. May naiwan pang bakas ng luha sa kaniyang mata kaya pinahid ko rin iyon.

"Y-es. Daddy will be here later." I said kahit alam kong imposible na makita kami ni Judah kahit pumunta siya rito.

Any moment by now I know he'll arrive here. Hindi ko lang kayang isipin kung ano ang mangyayari mamaya. Siguradong malaking gulo iyon sa pagitan ni Uno at ni Judah.

Uno changed a lot. Akala ko, he is still the man that I used to know but I was wrong. The way he looked at me, the way he spoke to me — all of that has changed. Para siyang laging galit at ang lalim nang iniisip. His eyes are furios as hell. Sa tingin ko ay siya na rin ang tipong tao na handang makipag-away kahit sa anong paraan. Ganoon na ang tingin ko sa kaniya.

What happened to him? Parang ang dami niyang pinagdaanan base sa nakikita kong lungkot sa kaniyang mga mata. O baka namamalikmata lang ako. But still, he lied to me. Kung ano man ang nangyari sa kaniya sa loob ng anim na taon ay hindi na ako interesado na malaman. Pinili niya iyon. Pinili niyang lumayo sa amin ng anak ko. Ngayon na bumalik siya ay parang ganoon-ganoon lang niya kami gustong kunin ng anak ko kay Judah. Pakiramdam ko ay para kaming bagay na iniwan niya dahil wala nang silbi sa kaniya pagkatapos ay babawiin dahil maayos na ngayon.

Sabay kaming napatingin ni Mikhay sa malakas na pagbukas ng pinto. Yumakap na sa leeg ko si Mikhay at sumiksik sa katawan ko pagkakita kay Uno. Nasa likuran niya si Logan.

"Logan?" Nagsalubong lalo ang kilay ko pagkakita kay Logan. Matagal na panahon na wala kaming balita sa kaniya pagkatapos na umalis noon ni Uno.

"We're leaving." Uno's voice echoed in my mind. His voice was cold and full of authority. Sinulyapan niya si Mikhay. Lumambot ang expression ng kaniyang mukha pagkatingin kay Mikhay na nakasilip din sa kaniya. Niyakap ko ang anak ko na para bang pinoprotektahan ko mula sa kaniya. He looked away. He's hurt by what I did.

"Sa-saan tayo pupunta?" Mas dumoble ang kaba na naramdaman ko lalo na at sinabi niyang aalis kami rito.

"We need to get away from here as soon as possible, Ellie. You are not safe here," wika ni Logan.

Tiningnan ko siya nang matalim. "Sa inyo lang naman kami hindi safe kaya please lang, pauwiin niyo na kami ng anak ko," may diin kong sabi baka sakaling matauhan si Uno sa binabalak niya.

"And you think you are safe with Judah?" May halong panunuya ang tanong ni Logan na para bang isang malaking joke ang iniisip ko na safe kami kay Judah at sa kanila ay hindi.

"At bakit hindi?!"

Nagtiim bagang si Uno sa sinagot ko kay Logan. "You really trusted him, huh?" may pait ang boses niyang tanong sa akin. I can feel my chest tightened. Parang may bara rin ang lalamunan ko at nag-init ang sulok ng mata ko pagkarinig sa tono ng boses niya. He's hurt. I hurt him again. But what did he expect? Si Judah ang fiancee ko at kinikilalang ama ni Mikhay. Of course, I trusted him.

Bahagya niyang nilingon si Logan at tumawa nang mahina na para bang hindi makapaniwala sa sagot ko. Muli siyang humarap sa amin at naglakad papunta sa amin.

Alam kong hindi kami sasaktan ni Uno. Pero ano ba ang binabalak niya? Ano ba ang nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Kanino ba kami hindi safe at bakit?

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon