Chapter 16

208 2 0
                                    

ELLIE

"JUDAH?" Tawag ko sa kaibigan ko upang kuhain ang atensiyon niyang mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito ngayon sa opisina ko.

Masaya akong makita siya ulit dahil talagang masarap kausap si Judah. Madami kami laging napagkukuwentuhan at talagang hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.

Nakatalikod siya at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa  habang nakayuko at tila may iniisip na malalim. Ang guwapo tingnan ni Judah sa suot nitong white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Noong college kasi kami ay ayaw niyang magsuot ng formal tulad ng long sleeves. T-shirt na black ang hilig niyang suotin noon. Nakakatuwa dahil marunong na siyang magdamit ng ibang kulay bukod sa itim. At talaga namang bagay na bagay na sa kaniya. Kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya na mga babae.

Agad niya akong nilingon pagkarinig niya sa pagtawag ko sa kaniya.

"Hi," tipid niyang bati sa akin. Tipid din siya ngumiti kaya naninibago ako sa kinikilos niya. Si Judah kasi ay palaging nakangiti kapag magkasama kaming dalawa. Snob lang naman siya sa mga babaeng naghahabol sa kaniya. Ayaw niya kasi iyong kinukulit siya ng mga babae.

Lumapit agad siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hello. Hmm... may tinatapos lang ako sa report ko. Wala ka bang trabaho ngayon?" Nginitian ko rin siya.

Umabot na sa mga mata niya ang kaniyang ngiti, hindi katulad kanina na mukhang may malalim na iniisip.

"Mayro'n. May meeting kasi ako kanina malapit dito. Naalala ko lang iyong office mo na malapit sa pinagmeetingan ko kanina, so I dropped by. Coffee?" Labas na ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin dahil sa lapad nang pagkakangiti nito sa akin.

Paano nga ba ako makakahindi sa isang Judah? Pero bigla kong naalala si Uno. Ayaw niyang lumabas kami ni Judah na kaming dalawa lang. Nagdadalawang isip akong tumango at sumagot na oo kaya napangiti ako sa kaniya.

"I think I'm interfering with your work. It's okay. I understand. Wrong timing pala ang pagdalaw ko sa iyo," saad nito na tila nahihiya sabay hawak sa batok nito.

Nahiya naman agad dahil hindi naman gano'n na nakakaistorbo siya sa trabaho ko. Paano ko ba sasabihin na ayaw ni Uno na magkasama kaming dalawa na hindi siya ma-ooffend? Ayaw ko rin na magkaroon silang dalawa ng 'di pagkakaunawaan. Gusto ko silang maging close dahil malapit silang pareho sa puso ko. Hindi naman seloso masiyado si Uno pero naging mahigpit siya bigla pagdating kay Judah.

I glanced at my wrist watch. Alas tres pa lang ng hapon. Bumaba lang ako dahil sinabi niyang nasa lobby siya at hinihintay niya ako.

"H-indi, ayos lang. Pero saglit lang tayo. May trabaho pa kasi ako na kailangan tapusin." Pagdadahilan ko na lang para hindi kami magtagal. Isa pa, hindi rin talaga ako puwedeng magtagal dahil saglit lang ang coffee break ko.

Hindi rin ako puwedeng magextend mamaya sa trabaho dahil susunduin ako ni Uno. Magkikita raw sila nina Mark pero hindi ako kasama sa lakad nila kaya ihahatid lang daw niya ako sa bahay namin. Biglaan niyang pinalinis iyon dahil doon na kami titira. Kahapon ay bumili kami ng iba pang mga gamit na kulang sa bahay.

Simula mamayang gabi ay doon na kami matutulog. Biglaan nga lang niya sinabi iyon kanina sa akin no'ng tinawagan niya ako para sabihin na dumating na ang Lolo niya. Parang balisa nga kanina si Uno base sa boses niya at mukhang malungkot.

Dumating daw kanina ang Lolo Ronaldo niya. Pupuntahan niya dapat ako kanina para sabay sana kaming naglunch pero hindu natuloy dahil nagkaroon daw emergency sa opisina niya. Naiintindihan ko naman.

Sa coffee shop kami pumunta na dito lang din sa ground floor ng building namin. Siya ang nagorder ng kape ko. Hinintay lang namin sa gilid ng bar area ang coffee namin bago kami naghanap nang mauupuan.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon