Chapter 38

217 4 0
                                    

HUMINA NA ANG ulan habang binabaybay namin ang kagubatan. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig. Hawak-hawak ako ni Uno sa isang kamay habang karga niya si Mikhay. Pagod na pagod na rin ang pakiramdam ko sa paglalakad. Lakad-takbo para makalayo nang tuluyan lugar na ito.

"Uno, tigil muna tayo sandali," hingal na hingal kong pakiusap sa kaniya. Para na akong babagsak. Para nang babagsak ang dalawa kong tuhod sa pagod. Kinakapos na rin ako ng hininga.

"Babe —"

We heard gunshots. Umaalingawngaw ang putok ng baril. Napahinto kami at pinakiramdaman ang paligid. Malapit lang sa kinaroroonan namin. Niyakap agad ako ni Uno. Mukhang nasundan kami kung saan kami tutungo. Nakarinig na kami ng mga boses ng mga tao at mukhang marami sila. Hindi iyon mga tauhan ni Logan.

Dinala niya kami sa malaking batuhan na natatakpan ng mga puno.

"Daddy..." Yumakap nang mahigpit lalo si Mikhay kay Uno nang makarinig ulit kami ng putok ng baril. Sinasadya yata talaga nilang magpaputok para matakot kami. "I'm scared."

"Sshh... daddy is here, baby."

Yumakap na rin ako kay Uno. I feel hopeless this time. Takot. Pagod. Galit. Halo-halong emosyon. Bakit hindi na lang kami hayaan ni Judah na maging masaya? His heart is full of hatred and envy. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kasama. Nilamon na siya nang inggit at galit sa puso niya na una pa lang ay hindi naman niya dapat naramdaman. Mabuti nga siya dahil may nanay siya na nagmamahal at nag-aalaga sa kaniya. Samantalang sa'kin ay wala na.

Noong umalis si Uno, nagkita kami ng mommy ko ngunit may iba na itong pamilya. Pinatawad ko na siya sa ginawa niyang pang-iiwan sa amin ni daddy noon. Nagtrabaho siya sa ibang bansa at  nainlab siya sa kasamahan niya sa trabaho kaya basta na lamang kami iniwan dahil may pamilya rin dito sa Pilipinas ang lalaking kinakasama noon ni mommy. Hanggang ngayon ay sila pa rin naman at bumalik na sila ng Canada.

"Kailangan na natin na makaalis dito, Ellie," sabi ni Uno. Tumango ako bilang pagsang-ayon dahil kailangan na talaga namin na makatakas bago pa nila kami maabutan. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mapakiusapan si Judah. Pero gusto ko siyang makausap. Naging kaibigan ko siya at minahal kaya masakit sa akin ang ginagawa niya ngayon lalo pa at magkapatid silang dalawa ni Uno. 

Hinawakan ako ni Uno sa kamay. Ngunit bago pa ako nakatayo nang tuluyan ay may nagpaputok ng baril sa amin. Napayuko ako sa lakas ng tunog ng baril ngunit tila nabingi ako at ang pakiramdam ko ang paligid namin ay unti-unting bumagal nang makita kong bumagsak si Uno. Duguan. Para akong naparalisa at hindi makagalaw. Nanlamig ang pawis ko at tila nanuyo ang lalamunan ko. Napailing ako nang malakas. Nangingig din ang kamay at katawan ko sa pinaghalong lamig at takot sa dibdib ko. 

"Daddy!" Ang iyak ni Mikhay ang nagpagising sa akin at nagpabalik ng ulirat ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nilalapitan ko sina Uno at Mikhay. Yumakap sa akin si Mikhay na umiiyak. 

"U-uno..." Mas lalong nanginig na sa takot ang katawan ko nang makita ang duguan na parte ng likod ni Uno. Kumalat lalo ang dugo sa damit niyang kulay puti dahil sa ulan. Naging blanko na ang utak ko.

"U-malis na kayo... si M-ikhay." Hirap na hirap nitong utos sa akin. Pinipilit niyang bumangon.

"Hindi kami aalis dito! Hindi ka namin iiwan. Lumaban ka, please?" Tinulungan ko siyang makabangon ngunit biglang napasigaw nang malakas si Mikhay.

"Mommy!"

Nilingon ko agad si Mikhay. Si Judah! Hawak niya si Mikhay. Ang isang kamay niya ay may hawak na baril. 

"Judah... please? huwag mong idamay ang anak ko! Maawa ka. Ako na lang, huwag na si Mikhay." Pakiusap ko habang walang tigil sa pagtulo ng luha ko sa pisngi. Hawak ko pa rin si Uno. Napabaling doon ang tingin ni Judah at tinutukan ng baril si Uno. Agad kong hinarang ang katawan ko kay Uno. Bahala na! Bahala na kung sabay kamaing mamatay dito basta ang mahalaga ay makaligtas si Mikhay. Sa kabilang buhay na lang kami magkakasama ni Uno at magiging masaya. Walang problema. Walang Judah at ang iba pang hadlang sa pag-iibigan namin. Walang magiging hadlang sa pagmamahalan namin na dalawa sa kabilang buhay.

"Mamili ka kung sino ang gusto mong iligtas, Ellie. Si Mikhay o si Uno?" Nilipat niya ang tutok ng baril sa ulo ni Mikhay. Si Mikhay ay lalong nag-iiyak sa takot. Gusto kong pagsusuntukin si Judah. Bakit pati ang anak ko na walang kamalay-malay sa lahat ay dinadamay niya sa kasamaan niya? Ang kamay ko ay naiwan na sa ere na gusto siyang pigilan. Nagsusumamo na ako sa kaniya. Napailing ako nang paulit-ulit, begging him to stop his evil plans. Hindi pa ba siya masaya na nasira na niya kami ng mahabang panahon?

Napahagulgol ako nang malakas. "Huwag! Huwag... please huwag mong gawin iyan. Parang awa mo na, Judah. Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano bang naging kasalanan namin ni Uno sa iyo?"

Tinutok niya sa amin ni Uno ang baril. His teeth gritted. Nanlilisik sa galit ang mga mata niya. "Maawa?" I just nodded my head with his question kahit alam ko na parang wala siya noon dahil sa mga oras na ito ay pakiramdam ko ay ibang Judah ang kaharap ko. "Maawa! I gave you everything, Ellie! I love you... so much, but you still chose him. Iniwan mo pa rin ako. Ako na minahal ka att hindi iniwan. Ako ang unang nagmahal sa iyo at hindi siya. Lahat na lang ay inagaw niya sa akin. Pati ikaw... ikaw na nag-iisang nakakaintindi sa akin at tumanggap sa akin." He burst out crying. Para siyang nasisiraan ng ulo. Kanina ay galit na galit siya tapos ngayon ay para siyang bata na biglang umiiyak.

"Minahal kita. Totoong minahal kita, Judah. Pero alam mo na umpisa pa lang, si Uno na ang mahal ko." Nanginginig ang boses kong saad sa kaniya. 

He took a deep breath. Inis siyang napahilamos ng mukha. " Dahil inagaw ka niya! I saw you first. I saw you first, Ellie. Ako ang unang nagmahal sa iyo."

"A-ano'ng gusto mong gawin ko para pakawalan mo na sila?"

"Love me again, Ellie. Be with me again. Aalis tayo dito. Magsisimula tayo ng bagong buhay, malayo sa kanila." Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit nang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kailangan ko nang makapagdesisyon agad. Wala ng oras. Wala ng oras para piliin ko ang sarili ko. Mahalaga sa akin sina Uno at Mikhay. Kahit ikamamatay ko basta masiguro kong maligtas lang sila at mabuha ay gagawin ko ang kagustuhan ni Judah. Kahit masakit. 

I slowly nodded. "Payag ako." Ngumiti agad siya at nagliwanag ang kaniyang mata. "Mangako ka na mabubuhay si Uno. Pakakawalan mo silang dalawa ni Mikhay at sasama ako sa iyo kahit saan."

Binitawan niya si Mikhay at binigay sa isang tauhan niya. Nilapitan niya ako at hinaklit sa braso patayo. Mariin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Kinasusuklaman ko siya sa mga oras na ito. Tumatayo ang balahibo ko sa ginagawa niyang paghaplos sa balat ko. "Hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo ngayon, Ellie. Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ako sa labi. Hinawakan niya ang ulo ko at diniin pa lalo sa kaniya. Kinagat niya ang ibabang labi ko upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Nasusuka ako sa ginagawa niya! Lalo akong napaiyak.

"Mamatay... m-una ako bago mo makuha si Ellie." Nanghihinang wika ni Uno.

"Uno?" Mabilis ang pangyayari. Bago pa napaputukan ni Judah si Uno ay naunahan na siya nito. Pinaputukan ni Uno si Judah at tinamaan sa malapit sa dibdib. Ang sunod kong narinig ulit ay ang putok ng baril na umalingawngaw. 























Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon