Chapter 36

241 7 0
                                    

LUMAPIT AGAD ako sa paghihintuan ng sasakyan ni Sandra pagkakita ko ng sasakyan niya. Inabangan ko na siya para makausap bago niya puntahan si Uno. Hindi ko kasi alam kung tinutulungan ba niya si Uno o gusto niya lang kunin ang loob.

"Sandra, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad pagkababa niya ng sasakyan. Halos mag-init na naman ang ulo ko sa suot ni Sandra. Hapit na hapit na naman ang suot nitong pulang dress sa kaniyang katawan. Para siyang modelo sa kaniyang ayos.  Nag-alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti sa tanong ko.

"Sure..." Halata ang pagkalito sa kaniyang mga mata pero nagawa pa rin niyang ngumiti kahit papaano.

Niyaya ko siya sa lanai. Nagdadalawang isip na sumunod naman siya sa akin. "Bakit nakulong si Uno noon?" agad kong tanong. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko siyang makausap nang matagal. I just want to know the truth.

Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin dahil hindi niya inaaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. Alam ko kasing iniiwasan niya akong makausap at alam ko rin na ayaw ipaalam sa akin ni Uno ang totoong dahilan ng pagkakakulong niya noon.

"Didn’t he tell you why he was imprisoned then?"

"Hindi." Mabilis kong sagot sa kaniya. I can't wait to know the truth. The whole truth.

Nilapitan niya ang rose na nakatanim at hinawak-hawakan iyon saka muling binaling ang tingin sa akin. Malikot ang kaniyang mga mata na hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. She's uncomfortable and a bit nervous.

"I'm sorry, Ellie." Panimula niya na may panginginig ang boses. "It was my fault. Nakulong si Uno dahil kay Lolo. Naisip na niya talaga noon na bumalik dito sa Pilipinas para sabihin sa iyo ang totoo at para balikan ka, ilang buwan pagkatapos namin na umalis ng bansa. But I was so desperate to get him. I was so mad at him for not marrying me kaya gumawa ako ng kuwento. Sinabi ko na may nangyari sa amin ni Uno dito pa lang sa Pilipinas. Nagvideo ako noon, noong nasa hotel kami na nakahubad sa harapan niya. I tried to seduce him, but I failed. He just left me. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin kaya kahit halos maghubad na ako sa harapan niya, he wouldn't touch me." She paused for a while. "Ibang lalaki na iyong nakatalik ko sa video."

Naningkit ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni Sandra. Nagawa niyang gumawa nang ganoon para lang makuha ang gusto niya. Mataas ang respeto ko sa kaniya noon pero ngayon, hindi ko na alam. O sadyang may mga tao lang talaga na gagawin ang lahat kapag nagmamahal. Kahit makagawa nang masama ay hindi na nila naiisip dahil sa sobrang pagmamahal.

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita. At wala rin ako masabi sa kaniya. Ang dami-dami kong gustong sabihin na masasakit sa kaniya pero hindi ko ginawa. Pinigilan ko ang sarili ko. Awa at galit ang naghahalo kong nararamdaman ngayon. Naaawa ako sa kaniya dahil kahit ang sarili niya ay ginamit niya para lang makuha si Uno.

"It was... it was Judah, Ellie." Mariin siyang napapikit kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya. She immediately wiped her tears.

FLASH BACK

Sandra's POV

"Are you sure about this?" I asked Judah doubtfully. Nagsimula na siyang magtanggal ng butones ng suot niyang long sleeves pagkatapos ay sinulyapan ako na nakasuot pa ng roba.

Napahawak ako sa tali ng suot kong roba at nag-aalinlangan na gawin namin ang binabalak niya.

"Yes, after Ellie watches this video, she will surely hate Uno and leave him."

"Kinakabahan pa rin ako sa plano mo. Paano kapag hindi maniwala si Ellie?"

"Relax." He chuckled. Tuluyan na niyang hinubad ang suot na long sleeves, kasunod ang kaniyang suot na pantalon at binagsak na lang iyon sa sahig. Naiwan ang suot nitong underwear at halatang malaki rin ang  kaniyang pagkalalaki.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon