Chapter 21

233 3 0
                                    

AWANG-AWA si Reese sa kalagayan ng kaibigan niya na simula kahapon ay patuloy lang ito sa pag-iyak. Naabutan nila si Ellie na basang-basa ito ng ulan nang pinuntahan nila ni Mark sa bahay ni Uno. Hindi matanggap ni Ellie ang dahilan ni Uno. Hindi man lang niya nasabi kay Uno ang dapat niyang sabihin na buntis siya dahil naunahan na siya nito ng ibang balita.

Sa condo na ni Reese dinala nila si Ellie. Sinubukan nilang tawagan si Uno ngunit nabigo lamang sila. Si Ellie rin ang nagsabi na umalis na si Uno kasama ang buong pamilya nito at si Sandra dahil buntis ito.

Parehas na hindi naniniwala sina Reese at Mark dahil saksi sila kung gaano kamahal ni Uno si Ellie simula noong college pa lamang sila.

"Ellie, tama na iyan. Makakasama sa baby mo ang ginagawa mo."

Nakahiga lang si Ellie at hindi pa rin bumabangon para kumain ng agahan. "Hayaan mo na ako, Reese. Kahit ngayon lang, please?" She knew she needed to release all the pain that she's feeling right now. Pagkatapos no'n ay susubukan na niyang kalimutan si Uno para sa kaniyang anak. She knew that it wouldn't be easy but she will try to move on.

"Hindi ka na kasi dapat nagpunta pa sa bahay ni Uno. You didn't listen. Look what happened." Napahilamos ng mukha si Mark habang naiinis na nakatingin kay Ellie dahil sa ginagawa nito sa sarili. Mas lalo siyang naiinis kay Uno dahil iniwan nito si Ellie dahil sa sinabi nitong rason.

Hindi siya naniniwala pero wala naman siyang magagawa dahil nakaalis na si Uno. Ni hindi man lang kahit sa kanila nagpaalam. He couldn't understand him. Kung sana kahit sa kanila nina Logan ay nakipagusap si Uno, natulungan sana nila ang dalawa sa kanilang problema, ngunit inako lang ni Uno ang problema nila. Hindi siya naniniwala sa rason nito kay Ellie kaya niya ito iniwan. It's a lame excuse but for now, kailangan niyang tulungan si Ellie.

"Mark, ano ba?!" awat sa kaniya ni Reese. "Lumabas ka na nga muna. Huwag mo nang sisihin si Ellie." Awat ni Reese kay Mark. Tinulak niya rin ito na lumabas muna. Sakto naman na pumasok si Judah sa silid ni Ellie.

Nagkatinginan sina Judah at Mark nang masama. Si Mark na ang umiwas. Dumiretso na siya na lumabas ng tuluyan sa silid ni Ellie.

"How's Ellie?" Judah asked in a low voice. Marahan niyang sinara ang pinto bago muling humarap kay Reese. Sinulyapan nila nang sabay si Ellie na nakahiga at nakaharap sa labas ng bintana ang tingin habang umiiyak.

Madilim ang silid ni Ellie. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagsisilbing liwanag sa buong silid.

"Gano'n pa rin. Ayaw kumain." Napabuga nang malalim na hininga si Reese. "Ikaw nga ang kumausap, baka sakaling makinig sa iyo."

Judah sighed and slowly nodded. He walked towards Ellie's direction. Sumampa rin siya sa kama at lumapit kay Ellie. Hinaplos niya ang ulo nito. He said nothing. He just comforted her. He knew how Ellie badly needed to release all her pain. Nakaalalay lamang sila sa kanilang kaibigan. "Shhh... I'm here, Ellie. Just cry. But you need to eat for your baby. Hindi mo puwedeng pabayaan ang sarili mo dahil buntis ka. C'mon. I'll bring you food here. Kumain ka kahit kaunti, okay?"

Hindi nagsalita si Ellie. Tumayo si Judah at kukuha ng pagkain. Kahit ayaw ni Ellie ay pipilitin niya itong kumain dahil kailangan. Hinanda niya ang binili niyang prutas at pagkain. Nagtake out siya ng food sa paborito nitong restaurant para makakain ito. Si Reese ay naiwan sa tabi ni Ellie. They are all worried, hindi lang para kay Ellie kun'di para rin kay Uno.

"Ellie, here's your food. I bought your favorite food," ani Judah. Nilapag niya sa bed side table ang dalang pagkain at umupo sa gilid ng kama. Umiling lang si Ellie. "Please? Kahit ngayon lang. Makakasama sa baby mo ang hindi pagkain."

Napilitan na bumangon si Ellie. She realized na tama ang kaniyang mga kaibigan na kailangan niyang kumain, hindi para sa kaniya kun'di para sa kaniyang anak. She gathered all her strength to eat and fight her loneliness.

"I'm sorry..." saad ni Ellie at napaiyak muli.

"Ellie, you don't need to say sorry, hmm? It's okay not to be okay. It's okay to cry. Ang hindi maganda ang pabayaan mo ang sarili mo dahil may baby ka na. You need to take care of yourself. Iniwan ka ni Uno but we are still here. I'm still here, Ellie," saad ni Judah. Inipit niya sa tainga ni Ellie ang buhok na nalaglag sa mukha nito.

Niyakap ni Ellie si Judah nang mahigpit. "Thank you."

LUMIPAS ANG ilang buwan at unti-unti nang nakakabangon si Ellie. Yes, she was hurt and broken but her friends helped her to stand up and fight. Her life must go on without Uno. She promised herself, hinding-hindi na niya iiyakan si Uno. Masiyado niyang pinaikot ang mundo niya kay Uno dahil buong akala niya ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, but then she was wrong.

Uno left her the best gift she could ever receive; her baby. Kung mayroon man magandang nangyari na nakilala niya si Uno iyon ay ang pagdating ng kaniyang anghel sa buhay niya. Dalawang buwan na lang at tuluyan na niyang mahahawakan ang kaniyang anghel.

Napatigil sa pag-iisip si Ellie nang bumukas ang pinto at pumasok si Judah. May bitbit na naman itong mga paper bags. May pasalubong na naman para sa kaniyang anak. Tumayo siya at sinalubong si Judah.

"May dala ka na naman," natatawa niyang sita kunwari sa kaibigan. Napakamot lang sa batok si Judah. Nilapag nito sa lamesa ang dala-dalang paper bags. Sumunod naman siya kay Judah. Humalik ito sa pisngi niya.

"I just can't help it. I'm excited. Hayaan mo na lang ako, Ellie. Para namana kay Mikhaela itong pasalubong ko." Pinisil pa ni Judah ang baba ni Ellie na sabay nilang kinatawa.

"Loko ka talaga. So, si Mikhaela lang ang may pasalubong?" kunwaring pagtatampo niya. She pouted her lips.

"Puwede ba naman iyon." Inabot nito ang isang paper bag at binigay ang pasalubong kay Ellie. Galing kasi noong nakaraang linggo si Judah sa America dahil binisita niya ang kaniyang mommy. Isang linggo lamang siya nagstay doon dahil ayaw naman niyang iwan nang matagal si Ellie lalo na malapit na itong manganak. Madami itong dalang pasalubong sa kanila pero heto, may dala na naman para sa kanila ni Mikhaela.

Hindi pa lumalabas si Mikhaela ay spoiled na spoiled na ni Judah. Napangiti si Ellie sa naisip kapag lumaki na ang kaniyang anak. Naiimagine na niya kung paano ito iispoil ni Judah. Panigurado, kay Judah lamang ito nakabuntot.

Excited na rin ang mommy ni Judah na makauwi ng bansa upang makita si Mikhaela. Isa rin iyon sa magiispoil ng anak niya. Palibhasa ay nag-iisang anak lang si Judah at silang dalawa lamang ang magkasama sa buhay kaya excited ang dalawa sa pagdating ng munting anghel nila.

"Salamat, Judah. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Thank you sa lahat ng tulong mo lalong-lalo na sa anak ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpapasalamat na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Bukod kina Reese, ikaw ang pinagkakatiwalaan ko."

Hinaplos ni Judah ang pisngi ni Ellie gamit ang likod ng kaniyang palad. "You know that I love you, Ellie. I'll wait until you are ready to love again." Hinalikan niya rin ang kamay ni Ellie. "But for now, masaya ako na maging kaibigan mo."

"I'm sorry kung hindi ko pa kaya sa ngayon na suklian ang pagmamahal mo. Ang anak ko lang ang mahalaga sa mga oras na ito, Judah. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para sa pagmamahal na binibigay mo sa akin. Sana ay mahintay mo."

"Kahit gaano katagal, Ellie. Maghihinatay ako."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon