Chapter 35

165 4 0
                                    

LUMAPIT AGAD ako sa paghihintuan ng sasakyan ni Sandra pagkakita ko ng sasakyan niya. Inabangan ko na siya para makausap bago niya puntahan si Uno. Hindi ko kasi alam kung tinutulungan ba niya si Uno o gusto niya lang kunin ang loob.

Hindi ko na rin binanggit kay Uno ang pagpunta ni Celestine rito kahapon at sa napag-usapan namin. Halos mag-init na naman ang ulo ko sa suot ni Sandra. Hapit na hapit na naman ang suot nitong pulang dress sa kaniyang katawan.

"Sandra, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad pagkababa niya ng sasakyan.  Nag-alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti sa tanong ko.

"Sure."

Niyaya ko siya sa lanai. "Bakit nakulong si Uno noon?" agad kong tanong. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko siyang kausap.

Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin. "Didn’t he tell you why he was imprisoned then?"

"Hindi." Mabilis kong sagot sa kaniya.

Nilapitan niya ang rose na nakatanim at hinawak-hawakan iyon saka muling binaling ang tingin sa akin.

"I'm sorry, Ellie. It was my fault. Nakulong si Uno dahil kay Lolo. Umalis noon si Uno kina Tita pagkadating namin sa New York, ilang buwan lang ang nakalipas. Nagsimula siya ng sariling restaurant niya pero hinahadlangan nina Lolo Ronaldo at Lolo. Nakatatlong subok siya pero lahat iyon ay nagsara lang. Madaming connection si Lolo at .... iyon ang ginamit niya para hindi magtagumpay si Uno. Iniwan ka niya dahil natakot siyang may gawin na masama sa iyo sina Lolo."

"Napakasama niyo."

"I know." Napaiyak na si Sandra. "Kaya nga nandito ako ngayon para tulungan siya."

Pero kahit umiyak siya ay wala nang magagawa iyon sa ginawa nilang kasamaan sa amin ni Uno. Naninikip ang dibdib ko sa galit.

"Ano pa ang nangyari sa kaniya?"

"He planned to get back here, para balikan ka. But I was so desperate to get him. I was so mad at him for not marrying me kaya gumawa ako ng kuwento. Sinabi ko na may nangyari sa amin ni Uno dito pa lang sa Pilipinas. Nagvideo ako noon, noong nasa hotel kami na nakahubad sa harapan niya. Inakit ko siya noon pero iniwan niya ako noon sa room." She paused for a while. "Ibang lalaki na iyong nakatalik ko sa video. It was... it was Judah, Ellie."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Si Judah na naman. Naikuyom ko ang kamay ko sa pagpipigil ng galit sa kanilang dalawa ni Judah.

"Remember noong nasa Baguio kami, sumunod noon si Judah sa amin. Kinausap niya ako at nilapitan. He convinced me to have sex with him, para sirain kayo ni Uno. I'm sorry. I'm really sorry, Ellie. I was really desperate and out of my mind at that time, and I listened to him. Nagalit si Lolo at pinakulong niya si Uno. Akala ko kapag nakulong na si Uno, mapipilitan siyang pakasalan ako but I was wrong. Isang taon siyang nakulong. Gumawa si Lolo ng dahilan para makulong siya. Pinagbintangan siyang nagnakaw ng pera sa kumpanya ni Lolo. Walang nagawa sina Tita. Akala namin, kapag sa ganoong sitwasiyon na si Uno makakalimutan ka na niya at ako ang pipiliin niya."

Nilapitan ko si Sandra at malakas na nasampal. "Napakawalang hiya mo! Ganiyan ka ba magmahal? Makasarili. Hinayaan mong makulong si Uno nang ganoon katagal?!"

Patuloy lang siya sa pag-iyak. "I'm sorry, Ellie. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. But I am here to make things right this time." She tried to hold my hand but I refused. "Wala na ako nagawa noon dahil umalis ako ng New York noong ayaw pa rin ako pakasalan ni Uno. Natakot ako kay Lolo at magulo ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin. Galit na galit sa akin si Uno noon."

"Hindi ko alam kung bakit nagawa ka pang patawarin ni Uno sa kabila ng kasamaaam na ginawa mo," galit kong sabi na ikinabigla ni Sandra. Lumamlam ang kaniyang mga mata at napatango-tango.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon