Chapter 9

186 5 0
                                    

"WHERE ARE YOU?" tanong ni Sandra kay Uno sa kabilang linya. Sinulyapan muna niya si Ellie na mahimbing pang natutulog saka naglakad papuntang terrace para kausapin si Sandra.

"What do you need?!" iritado ang boses niyang tanong at hindi sinagot ang tanong ni Sandra sa kaniya. Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang mahabang buntong hininga.

"Uno, malapit na natin simulan ang construction ng restaurant natin sa Baguio. Ayaw ko nang palpak. Be serious about this matters. I need your full cooperation."

"Are you telling me that I am not doing my job?"

"I'm just reminding you. Kahit kailan ay hindi ka naman nagseseryoso, lalo na no'ng dumating si Ellie. Kaya puwede ba, Uno? Kilalang-kilala na kita."

"I am serious with our business, at labas na si Ellie tungkol dito."

"Hindi ka na nakakapagfocus dahil sa kaniya. Imbes na ang focus mo ay ang i-oopen natin na branch, mas inuuna mo pa si Ellie."

"What?! What is wrong with you, Sandra to think of me that way. I am serious with my business because of Ellie. She made me a better person. Kaya ako nagsisikap because of her- for our future. At saka nakafocus ako sa business ko."

"Really? Hindi gano'n ang nakikita ko sa'yo. 'Pag nalaman nina Lolo ang tungkol kay Ellie, siguradong magagalit sila sa pinanggagawa mo."

Uno's jaw clenched. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sandra.

"Huwag na huwag mong pakikialaman si Ellie. Ako ang makakalaban mo! Dare to touch her, I swear, Sandra. Alam mo kung ano kaya kong gawin. Spare her kung ayaw gusto mong maging maayos ang partnership natin. Ako ang magsasabi kay Lolo."

"Partnership? Oh, c'mon, Uno. I am doing all of these for our future, too."
Tumaas na rin ang boses ni Sandra at madiin ang pagkakasaad.

He is pissed off. "Future? Si Ellie ang future ko."

Tumahimik si Sandra sa kabilang linya. She was hurt hearing those words from Uno. Alam naman niya ang turing sa kaniya ni Uno, but still, she can't help it. Hindi niya maiwasang masaktan sa tuwing pinamumukha sa kaniya ni Uno na si Ellie ang priority nito, na si Ellie ang mahalaga sa kaniya.

"Kailangan ba talaga ipamukha mo sa akin na si Ellie ang gusto mong makasama?"

"I'm just telling you. Akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol sa kasunduan nina Lolo. How about Aldrich? He's courting you, right?"

"My ghad, Uno! Bakit mo ba ako pinamimigay sa iba? I don't see myself marrying other man, especially Aldrich."

Nilingon pa muna ni Uno si Ellie kung nagising na ito. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga. Magdamag halos gising silang dalawa. Masiyado niyang namiss si Ellie dahil naging abala sila noong nasa Tagaytay sila. Kaya naman talang sinulit niya ang araw na kasama niya si Ellie.

"Akala ko kasi maayos na ang usapan natin na parehas tayo hindi papayag sa kasunduan nina Lolo. What happened? What changed your mind? Bakit bigla-bigla ay nag-iba ang pakikitungo mo kay Ellie? Bakit parang ngayon ay gusto mong matuloy ang kasunduan na iyon? Akala ko ba ay may mahal ka na? Bakit hindi na lang siya ang pakasalan mo?"

"Nothing happened... It's just that I realized mas madali kung pumayag tayo sa gusto nina Lola, but we can still whatever we want to do. I know na napag-usapan na natin ito noon pero ang business lang natin at sina Lolo ang iniisip ko, Uno. They are old. Ayaw ko naman sila bigyan ng problema o sama nang loob. How about, we will it try first? Malay mo naman magwork out."

"No! Si Ellie ang mahal ko, Sandra. She's the one I'm going to marry with. I'm sorry, pero wala nang makakapagpabago sa plano ko."

"Sa papel lang naman tayo magiging mag-asawa. But you can still do whatever you want. Hindi ko kayo pakikialaman ni Ellie. Ang mahalaga, ang business natin at ang pamilya natin."

"I can't do that. Hindi ko kayang saktan si Ellie. Ipaglalaban ko si Ellie."

"You should tell her right now. Hindi mo maitatago sa kaniya nang matagal ang katotohan. Kung sana kasing bait nina Tita at Tito sina Lolo, madali lang sana ang lahat."

He gently massaged his temples. Sumakit yata ang ulo niya, kausap si Sandra nang ganito kaaga. It's seven in the morning pero si Sandra ay trabaho na agad ang ipinanggigising sa kaniya at itong kasunduan nina Lolo.

"Mag-usap na lang tayo sa ibang araw, Sandra. But my answer will still the same. Hindi ko iiwan si Ellie."

"Pero, Uno..."

"I'm sorry."

He pressed the end button before Sandra could answer him.

Imbes na masaya ang araw niya ngayon, ay napalitan nang inis ang nagpagising sa diwa niya. Masiyadong hands-on si Sandra pagdating sa business at talagang gusto no'n ay perfect ang lahat ng gagawin. She is smart and strong woman.

Bumalik siya sa loob ng kanilang silid at muling tumabi kay Ellie. Niyakap niya ang dalaga at niyakap din siya nito nang pabalik. Nagising si Ellie nang halikan niya ito sa ulo. Tiningala siya ni Ellie. Kinusot-kusot pa nito ang mata bago ngumiti sa kaniya.

"Good morning, my Ellie."

"G-ood morning. Kanina ka pa gising?" namamaos ang boses na tanong sa kaniya ni Ellie.

Bumalik si Ellie na sumandal sa dibdib ni Uno at niyakap naman niya pagkatapos si Ellie ulit.

"H-indi naman. Kagigising ko lang, actually. Breakfast?" sinilip niya bahagya ang mukha ni Ellie na pumikit na.

"Gutom ka na ba? Inaantok pa kasi ako. Ano'ng oras na tayo nakatulog."

Napatawa lang si Uno sa sinabi ni Ellie dahil halos mag-aalas kuwatro na nga yata iyon. "I'm sorry kung pinagod kita at pinuyat."

Muling tiningala ni Ellie si Uno. Nakaramdam siya nang hiya sa naalalang magdamag silang nagtalik nito. "Sige na nga, kakain na tayo. Maliligo muna ako para magising ako."

"Well, that's nice idea. Let's go. Maligo na tayo." Ngumiti ito nang pilyo kay Ellie.

Pinaningkitan ng mata ni Ellie si Uno dahil nahuhulaan na niya ang iniisip nito. "Puwede ba? pagpahingain mo naman ako." Nakanguso na si Ellie dahil masakit pa rin talaga ang katawan niya lalo na sa parteng ibaba.

Gumapang ang haplos ni Uno sa dibdib ni Ellie. "Alright. Maliligo lang talaga tayo."

"Uh..."

Napaungol si Ellie nang sinimulan ni Uno na imasahe ang kamay nito sa kaniyang dibdib. "A-kala ko ba, maliligo tayo?"

Nakangisi na tumango si Uno. " Yeah. Namiss ko lang hawakan 'to."

"Uno! Kanina mo pa nga iyan pinagsasawaan."

Malakas na tumawa lang si Uno. Bumangon na rin sila upang makapag-almusal.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon