Chapter 11

168 3 0
                                    

MAYROONG coffee shop sa lower ground ng gusali at doon naisipan nina Reese at Ellie na magpunta na lang at hindi na sa madalas nilang pinupuntahan na coffee shop, ang Book Cafe. Pinili nila ang may kalayuan sa ibang mga customers para makapagkuwentuhan sila sandali.

Hindi naman sila nagtagal pa dahil saglit lang naman ang break nila. May kailangan pa rin tapusin si Reese sa kaniyang trabaho. Pero napag-usapan nila na sabay sila mamayang gabi magdinner. Pumayag naman siya dahil nasa Baguio na si Uno. Kakaalis lang kaninang umaga.

Wala sa mood kanina si Uno na umalis at talagang wala siyang balak na umalis dahil sa ginawa ni Sandra sa kaniya. Ngunit kailangan niyang kaibiganin muna si Sandra para hindi ito magiging dagdag problema niya habang inaayos nila ni Ellie ang kanilang kasal. Inaayos niya rin ang bahay na bibilhin niya para sa kanilang dalawa ni Ellie kapag naikasal na sila. Siguradong wala nang magagawa ang Lolo ni Uno at pamilya ni Sandra kapag nalaman nilang kasal na sila ni Ellie.

***

KINUHA NI UNO Ang phone at dinial ang number ni Ellie. Nasa loob siya ng hotel room niya kasalukuyan.

"Hey..." bungad niyang saad kay Ellie sa kabilang linya. Namimiss na niya agad ang dalaga. "I miss you already."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Ellie sa kabilang linya. Mas lalo lamang siyang nakaramdam nang lungkot pagkarinig sa malambing nitong boses. Apat na araw sila sa Baguio ni Sandra. Four damn days without Ellie! Noong una ay dapat dalawang araw lang iyon pero hindi niya alam bakit binago ni Sandra ang schedule. May dinagdag itong schedule nila kaya naging apat na araw na sila. Kaya naman asar na asar siyang pumunta ng Baguio.

Iniisip pa lang niya ang susunod na araw na hindi niya makakatabi si Ellie ay parang parusa iyon sa kaniya.

"Hi, Uno. Hindi ka busy ngayon? Sorry, 'di ko nabasa agad ang text message mo sa akin kanina. Lumabas kasi kami ni Reese, nagkape lang saglit sa baba," paliwanag ni Reese sa kaniya dahil kanina pa niya iyon tinetext. Nagtataka nga siya at wala man lang reply si Ellie.

Nakaupo si Uno sa kama habang nagiinput ng reports sa kaniyang laptop. "It's okay. How's your day so far?"

Nagtitipa na rin sa keyboard si Ellie habang kausap si Uno. Sinisimulan na  niyang tapusin ang kailangan niyang report para makauwi agad siya mamaya. "Ayos naman. Hindi naman gaano kadami ang ina-update kong reports ngayon. Ikaw? Kumusta ang pagvisit niyo sa pagtatayuan ng restaurant mo?"

Gusto sana itanong ni Ellie kung magkasama sila ni Sandra sa mga oras na iyon pero pinili na lamang niyang huwag nang itanong. Ayaw niyang mag-isip ng negative things about them. Lalo na at parang nag-iba ang pakikitungo ng daddy ni Uno kay Ellie. Hindi na ito katulad noon na nakikipagkuwentuhan sa kaniya kapag bumibisita sila ni Uno sa bahay ng parents niya. Isang beses pa lang naman siya dinala ulit ni Uno sa bahay ng parents niya simula nang naging official sila na magkarelasyon.

Ang mommy ni Uno ay may kakaiba rin na nagbago. Pagkatapos ng araw na dinala siya ni Uno sa bahay ng parents niya ay hindi na sila ulit bumisita doon. Hindi naman official na sinabi ni Uno sa parents niya na sila. Pagtapos ng bakasyon nila sa Subic ay doon sila dumiretso para magdinner.

"It's good. I just missed you. Kung puwede lang na kasama kita rito."

"Ayan ka na naman. Kailangan mo gawin iyan para sa future natin, 'di ba? Ikaw na ang nagsabi kanina sa 'kin. Apat na araw lang naman."

He just sighed. Nilapag niya ang laptop sa kama at sumandal sa head board ng kama. Tumingala siya sa kisame na tila doon niya naiimagine ang mukha ni Ellie. "I know. I just can't help myself from missing you right now."

"Namimiss na rin naman kita..."

"I love you..." buong pagmamahal na sambit ni Uno. Habang sinasabi niya iyon ay naiisip niya na nakaharap niya si Ellie.

"Mahal din kita, Uno."

"By the way, hintayin mo mamaya ang driver. Huwag kang uuwi sa bahay na mag-isa."

"Uhm... kakain sana kami mamaya nina Reese sa labas mamaya. Namimiss na nila ako makasama."

"Sila lang ba ang kasama?"

"Yes. Kaming tatlo lang. Tulad ng dati, kaming tatlo lang muna. Pagbalik mo kasama ka na. Namimiss na raw nila tayo makasama."

"Okay-"

"Uno," tawag ni Sandra kay Uno. Bigla na lamang ito pumasok sa kaniyang hotel room.

"What are you doing here?" mataas ang boses na tanong ni Uno kay Sandra dahil sa biglaang pagpasok nito sa kaniyang silid.

"Si Sandra ba iyon?" 'di napigilang itanong ni Ellie dahil nabosesan niya ang dalaga. May selos siyang naramdaman at kaba pagkarinig lang sa boses nito. Lalo pa at mukhang hindi alam ni Uno ang pagpasok nito sa silid base sa tono ng boses.

"I'll call you again later, my Ellie. I love you. Always remember that."

Hindi na nakasagot pa si Ellie dahil pinatay na ni Uno ang phone. Tumayo si Uno at hinawakan sa braso si Sandra.

"How did you get in?"

"I asked the receptionist your key. I tell them that I am your fiance."

"Just get out, okay. Hindi tayo puwedeng magkasama rito sa iisang silid." Hinila niya sa kamay si Sandra at binuksan ang pintuan ng room niya. "Please, Sandra. Huwag mong gawin 'to."

"Tsk... c'mon Uno. Kung hindi mo kayang sabihin kay Ellie ang totoo, I'll do it for you. You can't just dumped me like this."

"For pete's sake! Umpisa pa lang alam mo na ang stand ko sa kasunduan na iyon nina Lolo. We both agreed na hindi natin sila susundin."

"I need your company to expand my business. Like I told you, ayaw kong bigyan nang sama ng loob sina Lolo at ang parents ko. I'm doing you a favor."

"Is that a good solution for you, you think? And then what, Ellie will be my mistress, huh?!"

"Wala naman akong pakialam sa bagay na iyan! Do whatever you want. Basta, ako ang magiging asawa mo sa harap nila."

"That will never gonna happen."

"Okay. Let's see," confident na sagot ni Sandra. Kahit na sa loob-loob niya ay pinanghihinaan na siya ng loob. Saka siya lumabas ng silid ni Uno.

Matagal na niyang mahal si Uno bata pa lamang sila. Hinayaan niya ito noong college sila na magkagusto kay Ellie dahil akala niya ay hindi naman ito seryoso. College pa lanh sila noong pinaalam sa kanila ang tungkol sa kasunduan. Hindi naman sineryoso iyon ni Uno pero si Sandra ay umaasa na mangyayari iyon.

Kaya naman gano'n siya ka-confident na hayaan si Uno na naging malapit kay Ellie dahil alam niyang siya pa rin ang pakakasalan ni Uno.

But lately, nakaramadam na siya nang takot sa presensiya ni Ellie lalo na at dinadala na ni Uno sa bahay niya si Ellie at doon na rin tumitira.

Aware naman siya sa closeness ng dalawa na minsan ay natutulog si  Ellie sa condo ni Uno. Hindi niya iyon masiyadong pinansin dahil talagang abala siya sa ibang bagay lalo na sa kumpanya.

Pero habang lumilipas ang araw, alam niyang kailangan na niyang gumawa ng aksyon dahil mukhang seryoso na si Uno at wala ng balak na hiwalayan ang dalaga.

Siya mismo ang kumontak sa Lolo niya para ipaalala ang tungkol sa kasunduan na iyon. Siya ang humiling sa Lolo niya na ituloy ang kasunduan na iyon kahit anong mangyari. Spoiled si Sandra sa kaniyang mga magulang lalo na sa Lolo niya dahil nag-iisang anak lamang siya.

Kapag sinabi ng Lolo Aurellio niya ang kasunduan na iyon sa Lolo Ronaldo ni Uno ay siguradong hindi iyon makakatanggi dahil malaki ang utang na loob ng Lolo ni Uno sa kaniyang Lolo. Tinulungan niya ito noon sa mga kampanya at ginamit nito ang lahat ng koneksyon para manalo ang Lolo ni Uno.

Inis na inis si Sandra na pumasok sa
kaniyang silid. Isa na lang ang puwede niyang gawin- ang akitin si Uno. Pero mukhang malabo iyon sa isip-isip niya dahil hindi nga siya makapasok sa silid ni Uno.

"Fvck!" mura niya sa inis dahil sa naisip. Hindi rin naman niya kayang gawin iyon.



Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon