Chapter 27

221 5 0
                                    

"I'M SORRY, hon. I didn't mean to hide things from you. Nagkataon lang talaga na pumunta sa shop si Uno. I was surprised to see him again, actually."

Pinagpatuloy lang ni Judah ang ginawang paghahanda ng kanilang almusal. Maaga pa lang ay pumunta na siya sa bahay nina Ellie upang ipaghanda ang mag-ina niya ng pagkain. Hindi rin naman niya kayang tiisin nang matagal si Ellie. Naunahan lang siya nang pangamba.

He turned around to see Ellie's face. Nag-init ang kaniyang pakiramdam habang nakatingin sa kabuuan ni Ellie. Nakasuot pa ito nang manipis na pantulog na natatakpan ng robe nito na bahagyang nalihis kaya nasisilip niya ang bandang dibdib ng dalaga.

He swallowed hard. Muli na lang niyang tinuon ang atensiyon sa ginagawa. He respected Ellie. Ayaw niya itong pilitin na gawin ang isang bagay na hindi nito gusto. There were so many times that he was tempted to do it. He's a man with needs, but he can wait.

Lumapit si Ellie kay Judah at niyakap ang kasintahan mula sa likuran. "I'm sorry."

Judah exhaled. Ano pa ba ang magagawa niya? Alam niyang darating ang araw na magkikita muli ang dalawa, at dumating na ang kinatatakutan niya. He trusts Ellie, but he doesn't trust Uno.

Nilingon niya si Ellie at inakbayan. Hinalikan niya rin sa noo ang kasintahan. "I believe you. Just don't do it again... If Uno asks about Mikhay, will you tell him the truth that he's the father?"

Kumunot ang noo ni Ellie at ngumiti nang tipid. "Hindi ba, inayawan na niya si Mikhay noon. Alam niya pero hindi niya gustong tanggapin dahil kay Sandra at sa anak nila."

Umiwas ng tingin si Judah at lumamlam ang kaniyang mata. "W-hat if you found out that they were never married? Will you still love him again?"

Mas lalong napakunot ang noo ni Ellie. Alam niyang hindi pa tuluyan na kumbinsido si Judah na nakalimutan na niya si Uno, pero wala naman itong dapat ipag-alala dahil mahal niya ito.

"Hon, kahit bumalik na siya mahal kita. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you. Sana ay panghawakan mo iyon."

The sadness in Judah's eyes is visible. He couldn't hide that he was hurting inside. Alam niya na nagawang maglihim sa kaniya ni Ellie dahil naguluhan ito. He knew that Ellie loves him. Pero saksi siya kung gaano nito kamahal si Uno. And he is afraid that one day he might wake up to find that Ellie is gone and she has come back in Uno's arms.

He cupped Ellie's face and gave her a kiss. "I love you more, Ellie. You are my life." Pinagbunggo niya ang kanilang noo pagkatapos at hinalikan iyon.

"Hon, hindi kami mawawala ni Mikhay sa iyo." Ellie gave him a smile, assuring him that he loves him.

Mayamaya ay bumaba na rin si Mikhay. Nagpabuhat agad ito kay Judah at humalik sa pisngi nito. "Good morning, daddy." Humarap din siya kay Ellie upang batiin din."Good morning, mommy."

Hinalikan ni Ellie ang anak sa pisngi. "Good morning, anak. Kain na tayo. Baka malate pa kayo ni daddy." Nagpababa naman ang anak niya at umupo na.

"Thank you, hon," saad ni Ellie kay Judah na abala sa paghahanda ng pagkain ni Mikhay.

Nauna na rin si Judah na umalis. Siya ang naghatid kay Mikhay sa school nito dahil iyon ang request ng anak nila.

Pasakay na si Ellie sa kaniyang sasakyan na nakapark sa labas ng bahay nila ng may humintong sasakyan sa tapat ng nakaparada niyang sasakyan.

Nilapitan niya ang sasakyan at kakatukin sana ang bintana ng sasakyan para kausapin ang driver na umabante dahil masiyadong dikit na dikit ang sasakyan nito sa kaniyang sasakyan.

Nagulat si Ellie nang lumabas si Uno.

"I-kaw?" Mabilis siyang tumalikod upang pumasok na sana sa sasakyan ngunit mas mabilis na nahawakan siya ni Uno sa braso. "Bitawan mo ako!"

"Let's talk, Ellie. I just want to talk you, please?"

"No! Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Paano mo nalaman ang bahay ko? Bitawan mo ako."

"We have a lot to talk to. How are you, Ellie?"

"Tsk... Kumusta ako?" Ulit niya ng may halong inis ang boses sa tanong niya. "Ito, masayang-masaya. Thank you kasi iniwan mo ako," sarcastic niyang pasasalamat.

Tumiim ang bagang ni Uno sa sagot ni Ellie. Nagtaas baba ang kaniyang dibdib. "Bakit kay Judah pa?

"Bakit hindi? Ano pa ba ang kailangan mo? Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Instead of answering her question, siniil ng halik sa labi ni Uno si Ellie. Nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak nito sa kaniya. "Mmmm..."

Ngunit tila bingi si Uno at sinandal pa siya nito sa kaniyang sasakyan at patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Kinagat pa ni Uno ang kaniyang pang-ibabang labi upang tuluyan na makapasok ng dila nito sa kaniyang bibig.

He groaned. Sinipsip niya ang dila ni Ellie. Niyakap niya rin ang dalaga upang hindi makapagpumiglas. He missed this. He missed kissing Ellie. Nag-init ang kaniyang pakiramdam nang tumugon si Ellie sa kaniyang halik. Mas pinalalim niya iyon.

Akala niya ay hanggang sa imagination na lang niya iyon na muling mahalikan si Ellie. Ngunit ngayon ay totoong hinahalikan na niya ang dalaga. Sobrang saya ng kaniyang pakiramdam. Nabuhayan siya ng pag-asa. Mas lalo niyang diniin ang sarili sa katawan ni Ellie. Oh God! Hindi lang halik ang gusto niyang gawin kay Ellie. Nalulunod na siya sa kanilang mainit na halikan.

Habang si Ellie ay biglang naalala si Judah. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa hiya na nararamdan at inis sa kaniyang sarili. He is kissing other man aside from Judah.

Buong lakas niyang tinulak si Uno palayo sa kaniya saka ito sinampal. Nagtaas baba ang kaniyang dibdib. "How dare you?!" galit niyang saad dito upang pagtakpan ang sarili sa pagtugon sa halik nito.

"I miss you."

Ellie shake her head in disbelief. Parang pang-iinsulto sa sinabi ni Uno. "Really? Tapos?"

His jaw clenched. He wanted to kiss her again. Ibang-iba na Ellie ang kaharap niya ngayon. Wala siya halos naging balita kay Ellie sa loob ng mahabang panahon. Ang tanging nalaman niya ay tungkol kay Ellie at Judah.

"I know you missed me too. Your body can't deny it."

She was speechless. She can't deny that she liked his kiss, that she missed his kiss. Nanghina ang tuhod niya habang nakatingin kay Uno.

Sinamantala ni Uno ang naging reaksiyon ni Ellie sa sinabi niya.

"Ihahatid na kita sa shop," wika ni Uno sa biglaang pananahimik ni Ellie. Mabilis niyang binuhat si Ellie at pinasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Wala nagawa si Ellie dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ni Uno.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Buksan mo 'to." Turo niya sa nakalock na pinto ng kotse nito. Hindi siya pinansin ni Uno at kinabitan pa ng sealtbelt. Hindi ito apektado sa pagtaas ng boses niya. Lalo siyang nagpupuyos nang galit sa kaharap. "Ang bag ko, Uno!" Naghisterikal siya lalo dahil nasa kotse niya ang bag niya. Mabuti na lang at nasa bulsa ng pantalon niya ang phone niya.

"Susunduin kita mamaya," sagot lang ni Uno. "Let's have a lunch later. I'll be in your shop before twelve noon."

Mas lalong nag-iinit ang bunbunan ni Ellie sa mga sinasabi ni Uno sa kaniya na para bang ito pa rin ang boyfriend niya kung magsalita. Kung puwede lang niya itong batuhin ng gulong ng kotse lalo na noong sinulyapan siya nito at kinindatan pa.

"Hindi ako sasama sa iyo!" inis niyang sagot.

Napangiti si Uno sa reaksiyon ni Ellie. Para pa rin itong bata kung magtampo o mainis. Sinamantala niya ang pagkakataon na nakared light kaya ninakawan niya ng halik sa labi si Ellie. "I'm not asking you. I'm telling you kasi iyon ang gagawin natin mamaya. Magkasama tayong kakain ng lunch mamaya."

Napatigagal si Ellie sa ginawa at sinabi ni Uno. Pinaningkitan niya ito ng mata. "You're impossible!"

"Pagdating sa iyo, my Ellie. I'll do everything for you. And you know you can't stop me."

Hindi na nakapagsalita pa si Ellie dahil biglang nagreen na ang traffic light. Ang inaalala niya ay si Judah. Kakaayos lang nilang dalawa kaninang umaga, tapos ngayon magkasama na naman silang dalawa ni Uno. Paano ba niya iiwasan ang Uno?

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon