Chapter 30

261 4 0
                                    

ELLIE

"ANO?! PAANO nangyari na nawawala si Mikhay? Nasaan sina Julius?" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi sa akin ni Yvette sa kabilang linya. Nawawala ang anak ko! Umiiyak si Yvette at putol-putol na halos ang pagsasalita dahil mukhang kanina pa umiiyak.

"Ma'am mabilis po ang pangyayari. May kumausap daw po kina Julius sandali kanina tapos paglingom po nila hindi na nila makita si Mikhay. Kinuha ko lang din po iyong naiwan na notebook ni Mikhay sa loob ng silid niya. Iyon nga po pagbalik ko, hinahanap na nina Julius si Mikhay. Ma'am, sorry po talaga..."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong tinakasan ng hininga sa pag-aalala kay Mikhay. Sobra akong natatakot para sa anak ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Ikakamatay ko!

"Bakit niyo kasi iniwan ang anak ko? Hintayin mo ako diyan!" Napaiyak ako sa pinaghalong takot at galit dahil sa nangyari.

Sino naman kaya ang kukuha sa anak ko? Hindi naman ako mayaman at lalong wala akong kaaway. Sana kung may galit sa akin ang kumuha sa anak ko, sa akin na lang sana siya gumanti.

Nagmadali akong kinuha ang shoulder bag ko at lumabas ng opisina. Nilapitan ko si Reese na abala sa mga deliveries namin ngayon.

"Reese!" halos patakbo na ang hakbang ko upang makalapit agad sa kaniya. Nanginginig ang mga tuhod ko at kamay.

Nakakunot ang noo niya at nag-aalala ang tingin sa akin. "Oh, Ellie, what's wrong?" sinalubong niya rin ako ang paglapit ko sa kaniya

"Nawawala ang anak ko. Nawawala si Mikhay!" malakas ang boses kong sabi sa kaniya habang nanginginig din ang labi ko sa pagbabadyang pag-iyak.

"What?!" Hindi agad siya nakakilos dahil sa pagkabigla sa sinabi ko.

"Samahan mo ako, please?" untag ko sa kaniya kaya napakilos din siya.

"Sige." Binalingan niya si Malou na katabi niya. "Ikaw muna ang bahala sa mga deliveries natin ngayon. Call me if you have questions."

"Yes, Ma'am." Nataranta rin si Malou at napatango na lang kay Reese.

Kinuha agad ni Reese sunod ang bag niya sa loob ng opisina namin at nagmadali na kaming lumabas ng shop.

Si Reese na rin ang nagmaneho dahil hindi ko kaya. Hindi ako makapag-isip nang maayos sa mga oras na ito dahil punong-puno ako nang pangamba. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang nasa biyahe kami. Tahimik din akong nagdadasal na sana ay walang masamang nangyari sa anak ko.

"How did it happen? Hindi ba, may bodyguards si Mikhay at kasama niya si Yvette? Hindi naman niya iniiwan si Mikhay sa school."

"Nalingat lang sila sandali, nawala agad ang anak ko. Hinintay talaga ng kumuha na mawala sa paningin nina Yvette ang anak ko. God! Reese. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Mikhay."

"Tumawag na ba sila ng pulis?"

"Oo. Wait... tawagan ko lanh si Judah."

Nanginginig ang kamay ko habang dinadial ang number ni Judah.

"Hello, hon?"

"Hon! Si Mikhay nawawala."

"What?! Fuck! Where's Yvette? Sina Julius? Nasaan ang mga boyd guards niya?" galit na galit na tanong ni Judah.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Papunta na kami ni Reese sa school ni Mikhay. Nakatawag na rin ang teacher ni Mikhay ng pulis."

"Damn it! Pupunta na rin ako."

Pinatay ko ang tawag at napahikbi na lang. God! Sana maayos lang ang kalagayan ni Mikhay ngayon. Baka umiiyak na iyon ngayon.

"Calm down, Ellie. Makikita rin natin si Mikhay, okay?" pagpapakalma ni Reese sa akin.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon