Chapter 29

225 3 0
                                    

ELLIE

BUMALIK NA  naman si Uno sa shop. Ang kulit! Napataas ang isang kilay ko at napakagat ng labi habang nakatingin kay Uno sa labas ng shop namin. He crossed his arms while standing outside his car looking at me. He looked like a boss watching over his staff—standing proud.

Umangat ang dulo ng labi niya nang nagtama ang paningin namin na dalawa. Natuwa yata siya dahil tiningnan ko siya. Ang babaw niya. As if naman madadaan niya ako sa mga ginagawa niya ngayon.

"Kanina pa diyan si sir Uno. Kawawa naman, madam. Baka gusto mong yayain dito sa loob para makaupo. Mukhang hindi pa naman siya ang tipo na pinaghihintay," saad ni Thine habang nakatingin din kay Uno sa labas.

Inismiran ko si Thine. Naalala ko tuloy noong bagong magkakilala pa lang kami ni Uno. Nakaabang na iyon sa labas ng building kung saan ako nagtatrabaho noon sa isang private company. Araw-araw niyang ginagawa iyon. Nauuna siyang pumupunta sa trabaho ko at sa bahay. Noon ay natutuwa at kinikilig ako kapag ginagawa niya iyon pero ngayon hindi ako natutuwa. Hindi ko kasi siya maintindihan. Pagkatapos niyang umalis six years ago, bigla siyang babalik na parang hindi niya ako sinaktan nang sobra. Kahit magmakaawa siya, hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin sa lahat ng sakit na pinaramdam niya sa akin noon no'ng iniwan niya ako. O marahil ay kaya ko nga siyang patawarin para sa anak namin pero hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng nangyari noon. Hindi ko siya kayang pagkatiwalaan muli.

"Sanay iyan." Wala sa sariling sagot ko kay Thine. Mas lalo lang akong nainis dahil parang ako pa ang nagmumukhang nagpapahirap sa kaniya ngayon.

"Parang hindi naman, madam."

Mayamaya ay sumandal na si Uno sa kaniyang itim at malaking sasakyan habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dito sa loob ng shop.

Manigas siya sa labas! Hindi ko siya pupuntahan para ipagtabuyan. Kumuha agad si Judah ng body guards ko para hindi na makalapit sa akin si Uno ngunit hindi ko iyon pinayagan. Si Reese ang nagsabi kahapon kay Judah kaya kaninang umaga ay cold na naman siya sa akin lalo na hindi ko siya pinayagan na bigyan ako ng body guards. Pero kay Mikhay ay hinayaan ko siya na bigyan dahil baka mas lalong magalit sa akin. Hinayaan ko lang dahil kilala ko si Judah. Nagpapalamig lang iyon ng sitwasiyon.

"Ang guwapo ng body guard mo, madam. Papasukin mo na kasi dito sa loob," bulong ni Malou sa tainga ko na nang-aasar. Bahagya akong lumayo at nilingon siya.

"Muntik na akong mabingi sa hina nang bulong mo," pilosopo kong sabi kay Malou. Ginawa pa akong bingi kung makabulong sa tainga ko kaya narinig na rin ng ibang staff namin ang sinabi niya. Nagtinginan sila kay Uno na kahit kanina pa nila ginagawa ang panay sulyap sa labas.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin kay Uno sa labas? Nakasuot siya ng coat and tie at nakatayo lang sa labas ng shop namin. Nakapomade wax pa ang kaniyang buhok na nakatayo-tayo at mas lalo pa siyang naging guwapo sa paningin ko.

Pinilig ko ang ulo sa naisip. I deeply sighed and returned to what I was doing. Bakit ba ganoon ang naisip ko bigla?

"Alukin ko kaya si sir Uno. Sir do you like coffee, juice, tea or me? It's better if you choose me sir," malanding sabi ni Malou sa amin. Iniimagine na tinatanong niya iyon kay Uno kaya napasulyap ulit ako kay Uno.

Seryoso pala siyang nakatitig sa akin. Para bang pati kaluluwa ko tinititigan niya. Hindi maawat at hindi maalis-alis ang malagkit niyang tingin. Nakakatindig balahibo ang kaniyang titig na nakatutunaw at nakakapanglambot ng tuhod.

Binalikan ko ang ginagawa ko na ayos ng bouquet dahil may order. Tapos naman na ako sa pag-iinput ng sales namin kaya nandito ako sa labas.

"Tumigil ka na nga diyan, Malou. Tapusin na natin itong ginagawa para madeliver na iyong mga order," kunwaring inis kong saad sa kaniya dahil napapatingin din ako kay Uno sa tuwing pinapansin niya iyon.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon