Chapter 37

249 8 0
                                    

PINAGLUTO ko si Uno ng paborito niyang pagkain. Gusto kong bumawi sa kaniya. Kahit naging biktima rin ako ng kasamaan nina Judah ay gusto ko pa rin bumawi kay Uno. Nasaktan ako noon pero mabigat ang pinagdaanan ni Uno noon.

Gusto ko rin siyang ipakilala nang pormal kay Mikhay. Ilang araw pa lang kami nandito at hindi pa rin sila talaga nagbobonding na mag-ama. Palagi kasing naririnig ni Uno na hinahanap ni Mikhay si Judah bilang daddy niya. She's too young to be involved with our issues with Judah. At natutuwa ako kay Uno dahil hindi niya binigla si Mikhay na kilalanin siya bilang daddy nito.

"Magaling pala kayong magluto, Ma'am Ellie. Siguradong madaming makakain si sir Uno. Favorite niya itong lahat na pinaghanda niyo," puring-puri ni Aling Sonya sa mga niluto ko. Sila na ang naghanda pagkatapos kong magluto.

I smiled. "Salamat. Siguradong namiss kasi iyan ni Uno kaya pinagluto ko siya." Tinulungan ko na rin sila maghanda. Aakyatin ko rin ang mag-ama ko pagkatapos ng ginagawa ko rito.

"Mommy!" Napalingon agad ako pagkarinig ng boses ni Mikhay mula sa malayo. Tumatakbo siyang lumapit sa akin. Iniwan ko kasi siya sa itaas kasama ang kaniyang yaya dahil nakaidlip siya pagkatapos maligo. Sinalubong ko na siya dahil parang paiyak na ang boses niya.

Kasunod niya si Uno na dahan-dahan na naglalakad papunta rin sa amin. Malamlam ang mga mata ngunit ngumiti pa rin pagkakita sa akin. Tinanguan ko siya at nginitian nang tipid upang humingi ng paumanhin sa ginawa ni Mikhay na umiwas sa kaniya. Marahil ay nagkita sila pagkalabas ng kuwarto o baka hinintay siya ni Uno para makasabay sa pagbaba.

Yumakap agad sa baywang ko si Mikhay at sumiksik na sa akin. Kapag kasama ako ay hindi naman siya nahihiya kay Uno, pero kapag silang dalawa na lang ay nahihiya siya.

Nilayo ko siya sa akin para makita ang mukha niya. Hinalikan ko siya sa ulo.

"Hi, baby. Why are you hiding?"

"Mommy, where's daddy?"

Nagkatinginan kaming muli ni Uno. He looked away. He remained standing behind our daughter.

He's hurt. I can see it in his eyes and I feel it, too. He tried several times to approached and talked to Mikhay but he failed. Kapag silang dalawa ay hindi umiimik ang anak namin.

"Baby, mommy will tell you something." She nodded at me. Lumuhod na ako sa kaniyang harapan. I heavily sighed. Kinakabahan din akong ipaliwanag ang totoo kay Mikhay na si Uno ang totoong daddy niya at hindi si Judah. "I'm sorry baby if mommy kept this from you, but Daddy Uno is your real daddy, baby."

Mikhay was just staring at me with her eyes puzzled. I know she's too young for this, pero nasasktan ako para kay Uno. Uno deserves to recognize and accept him as Mikhay's father.

"Judah is still your daddy, but Daddy Uno is your real father, baby. Sana baby, bigyan mo ng chance si Daddy Uno na maging daddy mo rin."

Nagsimulang umiyak na si Mikhay. Mahirap sa kaniya at alam kong hindi niya naiitindihan ng buo. Ang hirap ipaliwanag sa kaniya ang totoo. Kasalanan ko rin, hindi ko sinabi sa kaniya ang kung sino talaga ang totoo niyang tatay simula pa lang. Sana hindi ko siya dinamay sa galit ko kay Uno. Sana hindi ako napagod para sa anak ko. Puro sana na lang...

"Daddy is not my daddy?" umiiyak nitong tanong. It broke my heart. Lumapit na rin si Uno at lumuhod upang magpantay sa anak namin.

"He is still your daddy, baby. Let's say... you have two daddies. You like it?" He smiled to Mikhay. Pinunasan niya rin ang luha sa pisngi ng anak namin. Kahit nagdadalawang isip ay tumango si Mikhay.

Napakabuti ni Uno. Kahit naging masama ang kaniyang kapatid, hindi pa rin niya ipagkakait ang anak namin kay Judah. Nagawa niya rin patawarin si Sandra.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon