Chapter 12

174 4 0
                                    

"BAKIT KA naman bigla-biglang nagdududa kay Sandra?" tanong ni Reese kay Ellie habang abala ito sa pagbuklat ng magazine.

Kasalukuyan na nasa apartment niya sila ngayon ni Reese. Hindi na sumama pa si Mark dahil may lakad daw sila nina Logan. Mas pinili ni Reese na samahan siya para makapagkuwentuhan man lang sila.

Tumayo si Ellie mula sa puwesto niya na nakaupo sa dining area at lumapit sa couch. Tumabi siya kay Reese at pinatay ang tv dahil hindi naman sila nanunuod. Tiningnan siya ni Reese at napatigil sa pagbubuklat ng magazine.

"Iba ang kutob ko Reese. It's an instinct. Feeling ko may gusto si Sandra si kay Uno at mayroong hindi magandang mangyayari."

"Hay, naku! napapraning ka na. Kung may gusto si Sandra kay Uno, sana noon pa siya nagpakita ng interes. Bakit hinayaan niyang maging close kayong dalawa ni Uno, aber?"

"No! believe me, Reese. Iba ang tingin ni Sandra tuwing magkasama kaming dalawa ni Uno. Matagal ko na iyon napapansin, ayaw ko lang bigyan ng ibang kulay. Pero ngayon... iba talaga ang pakiramdam ko."

Nilapag ni Reese ang hawak na magazine sa center table at mas lumapit pa kay Ellie. "Mars, sigurado ka na ba diyan sa nafefeel mo? Baka kasi nagkakamali ka lang. Baka dahil nagseselos ka lang. Isa pa, kung sakaling totoo nga iyan, hindi naman niya maagaw si Uno sa iyo. Ikaw ang mahal ni Uno."

She sighed. "Alam ko dahil inalok ako ni Uno ng kasal. Magpapakasal kami ng lihim. Kayong dalawa lang ni Mark ang balak namin ni Uno na imbitahin at maging witness na rin ng kasal namin."

Namilog ang mata ni Reese sa pagkagulat sa binalita niya. "Oh my ghad, Ellie! Totoo?" Tumango siya kaya napahiyaw nang malakas si Reese.

Tinakpan niya ang bibig ng kaibigan dahil nakakahiya sa kapitbahay niya. "Huwag kang sumigaw." Saway pa niya dahil talagang maingay at excited na excited si Reese.

"Masaya lang ako, Mars. Grabe kayo! inuhahan niyo talaga kami. Mabilis talaga itong si Uno. His name suits his personality. Talagang nangunguna sa lahat."

Napangiti na siya sa sinabi ni Reese. "Sira ka talaga," natatawang saad niya.

"Bakit naman kailangan secret marriage? Mukhang matatanggap ka naman nina Tito at Tita dahil kilala ka na nila. Mabilis nga lang ang pangyayari sa pagitan niyong dalawa pero alam naman namin kahit noon pa na mahal ka na ni Uno."

"H-indi ko nga alam kung bakit gusto na agad ni Uno na magpakasal na kami."

"Huwag ka nang madaming tanong diyan sa isipan mo. Mahal mo naman siya 'di ba?"

Napatango si Ellie. "Oo, sobra."

"Oh, iyon na lang talaga ang isipin mo. Do'n din naman ang punta niyo. Kaya mas lalong hindi maaagaw ni Sandra si Uno sa'yo."

***

KINABUKASAN HINDI umattend si Sandra sa meeting nina Uno kasama ang mga contractor at supplier ng itatayo nilang bagong restaurant.

Tinatawagan niya ang phone nito ngunit panay ang ring lang. Pagkatapos ng meeting ay napilitan siyang puntahan ito sa kaniyang room. Kinakatok niya nang kinakatok ngunit wala pa ring nagbubukasa sa kaniya kaya nag-aalala na rin siya.

Pinuntahan niya ang receptionist at humingi ng susi ng room ni Sandra.

Pagkapasok niya sa loob ay nabungaran niya si Sandra na kakalabas lang ng banyo. Nakasuot ito ng roba at may towel sa buhok. Bahagya rin nagulat si Sandra pagkakita kay Uno.

"W-hat are you doing here?"

Umiwas ng tingin si Uno kay Sandra dahil nakabukas ang roba nito. Nakasuot ito nang manipis na lacy undies pero walang suot na bra.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon