Chapter 24

236 3 0
                                    

ELLIE

LUMABAS MUNA ako ng reception area at nagpahangin dito sa garden. Maingay na sa loob dahil madaming bisita sina Celestine. Naging busy na rin si Celestine kaya hindi na rin namin siya makausap. Hindi pa namin nakikilala si Sebastian. Wala rin akong napansin na lalaki na kasama niya kanina pero may kausap siya sa phone.

Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa langit na punong-puno ng bituin. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin. Bigla akong nakaramdam nang lungkot. May naalaala lang ako habang nakatingin sa langit.

Lumingon ako dahil parang may nakatitig sa akin. My lips parted in surprise. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mga oras na ito habang nakatingin sa kaniya. Walang nagbago. He is still the man that I used to know. Ang pananamit niya, ang kaniyang buhok, at kung paano siya tumitig sa akin na nakakapanglambot ng tuhod.

Ano'ng ginagawa niya rito?

It's been six years since he left me. Pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang araw na iyon kung paano ako naging mukha tanga. Kung paano ako nagmakaawa sa kaniya upang huwag lang niyang iwanan. Kung paano niya tinalikuran lahat ng mayroon sa amin.

Napakuyom ako ng palad upang pakalmahin ang sarili ko. "Uno..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Ang tibok ng puso ko ay sobrang bilis. Gusto kong umiwas  at umalis sa kaniyang harapan ngunit tila napako ang paa ko sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Gusto kong umiwas ng tingin sa kaniya ngunit tila namagnet ang paningin ko sa kaniya at hindi ko rin magawa.

"Ellie..." Nakatingin siya sa akin na parang gusto akong yakapin. Ngumiti rin siya. "H-ow are you?"

Kumusta ako? Gusto kong tumawa nang sarkastiko sa tanong niya. But I never did. Baka isipin niya ay bitter ako at hindi pa rin nakamove on sa kaniya. Gusto kong ipakita sa kaniya na ito na ako ngayon, masaya sa piling ni Judah. Masaya pa rin pagkatapos niya akong iwan. Ito na ako ngayon na maayos na maayos ang kalagayan ko.

I composed myself. I hold back my tears. Taas noo akong tumitig muli sa kaniya at casual na ngumiti.

"I'm good. I'm happy and contented." Tinaas ko rin ang palasingsingan ko at pinakita sa kaniya ang engagement ring ko. "I'm engage. Nice seeing you again, Uno." I said in full confidence. Pero ang totoo, nanghihina ang tuhod ko. Gusto kong umatras at tumakbo palayo sa kaniya.

I never imagined that this day would come. Binaon ko na siya sa limot at hindi ko naisip na magkikita pa kaming dalawa at dito pa.

His jaw tightened looking at my ring finger kaya binaba ko iyon at ngumiti lang ulit sa kaniya.

"Sebastian!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Celestine. Papalapit siya sa kinaroroonan namin at nakangiti. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.

Sebastian? Siya ang tinutukoy ni Celestine na Sebastian? Oh, God! Bakit  siya pa? Sa dami ng lalaking mamahalin ni Celestine, bakit si Uno pa? Nag-init bigla ang sulok ng mata ko.

"I'm sorry. Nagpahangin lang ako," saad niya habang nakatitig sa akin saka tumingin kay Celestine at nginitian ito. He encircled his hands around Celestine's waist. Nasundan ko iyon ng tingin.

Agad kong iniwas ang tingin doon. "B-abalik na ako sa loob. B-aka hinahanap na ako ni Reese at mukhang ma-kakaistorbo pa yata ako sa inyong dalawa. E-xcuse me." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nagkandautal-utal akong nagsalita at lalo na sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Uno. Nakakainis! Baka isipin niya ay affected ako sa ginawa niya kay Celestine.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon