Chapter 28

215 1 0
                                    

ELLIE

Hindi ako mapakali habang gumagawa ng report sa harap ng laptop ko. Kinakabahan ako sa sinabi ni Uno na pupunta nga siya rito sa shop bago mag-alas dose ng tanghali.

Naisip kong tawagan si Judah at yayain na kumain sa labas. Inabot ko ang phone at dinial ang number ni Judah pero saglit akong napatigil at napaisip. Kapag niyaya ko si Judah, paano kung totohanin nga ni Uno na pupunta? Siguradong mag-aaway na ang dalawa.

Binaba ko ang phone na hawak at halos pabagsak na nga rin ang ginawa ko na pagsara ng laptop dahil hindi ako makafocus sa kakaisip. Hinilot ko ang sintido at naginhale exhale upang pakalmahin ang sarili para naman makapag-isip ako ng tama. Kanina pa lutang na lutang ang isip ko.

Tumayo ako at lumabas ng opisina. Nasa labas kasi si Reese at nag-aayos ng bulaklak.

Simula kaninang umaga pagdating namin sa shop ay hindi na ako lumabas ng opisina. Baka kasi hindi naman umalis si Uno. Glass wall ang shop kaya kita ang loob. Ang opisina lang namin ang hindi glass wall para may privacy pa rin kami.

Si Malou lang ang nakakita sa amin kanina dahil wala pa si Reese. Todo ang pang-aasar sa akin kanina pa.

Huminto ako sa harap nina Reese at tinulungan sa ginagawang pag-aayos ng bulaklak. "Kain tayo sa labas, Reese," yaya ko kahit wala akong pera dahil naiwan ko sa kotse ang gamit ko.

Lumapad agad ang pagkakangiti ni Malou kahit hindi naman siya ang niyayaya ko pero siya pa agad ang naexcite.

"Sorry, Ellie. Pupuntahan ako ni Mark ngayon. Niyaya niya ako na sabay kaming maglunch ngayon kasi may dadaanan kami. Baka hindi na ako makabalik dito mamaya."

"Eh, 'di ba Ma'am, babalik si sir Uno dito kasi kakain kayo ng lunch?" ani Malou.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kanina pa nga ako kinukulit ni Reese na magkuwento. Napahinto si Reese sa ginagawa.

"Bakit naman kayo maglulunch together? Ano, date?! Tigil-tigilan mo iyan, Ellie. Hindi na dapat kayo nagkikita ni Uno. Ipapaalala ko lang sa iyo na ikakasal ka na." Sumimangot si Reese at pinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi siya natuwa na makita muli si Uno dahil tulad ko ay galit din siya. Kahit sina Mark ay sinubukan na kausapin ni Uno ngunit nabigo lang siya.

"I told you, hindi ko alam na pupuntahan niya ako sa bahay at hinatid na lang ako dito," depensa ko dahil iyon ang totoo. Pero hindi kumbinsido si Reese.

"Maayos na kayo ni Mikhay, Ellie. Huwag mo nang guluhin ang sitwasyon niyo. Hayaan mo na si Uno doon kay Celestine. Kilala kita. Ang tanga-tanga mo pagdating kay Uno. Marupok ka pagdating sa kaniya."

"Aray! Makatanga naman, wagas," sabat ni Malou. Sinamaan siya ng tingin ni Reese. "Sabi ko nga, tanga si Ma'am Ellie pagdating sa pag-ibig. Marupok."

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi at napahinto sa ginagawa. I know. Alam ko iyon na kailangan kong iwasan si Uno.

"Yes, I admit na tanga nga ako pagdating sa kaniya. Noon iyon, Reese. Iba na ngayon. Si Mikhay ang priority ko."

"Sana nga, Ellie. Baka isang mabulaklak na buka lang ng bibig ni Uno sa iyo, bubuka na rin iyang hita mo," matapang nitong panenermon sa akin. "Huwag mong kalimutan ang ginawa niya sa iyo. Hindi na uso ang balikan. Huwag mong saktan si Judah. Hindi mo deserve si Uno. Si Judah ang tumulong sa iyo."

Nasaktan ako sa sinabi ni Reese. Naguilty rin ako dahil tinugunan ko rin ang halik ni Uno kanina. Pero iyon na ang huli. Hindi na ako bibigay sa kaniya. Masakit talaga kapag pinapranka ka ng kaibigan mo.

"Good afternoon, sir," bati ng isang staff namin.

"Ma'am, si sir Uno," saad ni Malou sabay turo sa pinto ng shop kaya sabay kaming napalingon ni Reese.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon