Chapter 3

232 5 0
                                    


PAGKARATING sa condo ay dumiretso na ako sa room na ginagamit ko tuwing dito ako umuuwi. Tinawag pa niya ako pero 'di ko na siya pinansin.

"What's wrong?" tanong ni Uno sa akin na nakasunod pala hanggang sa loob  ng room ko.

Hindi ko siya nilingon. Umupo ako sa kama at nagtanggal ng heels. Nanatiling nakatayo lang si Uno malapit sa pinto.

"Hey... " Lumapit na si Uno. "If it's about Sandra, I told you I don't like her. She is just a friend."

Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagtanggal ng sapatos ko. Hindi ko pa rin siya nililingon. Ewan ko ba at nag-iinarte ako bigla.

"I just want to sleep, Uno. Bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight." Malamig kong saad sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Tumayo ako't pupunta na sana ng banyo para makapagpalit na ng damit.

Lumapit siya sa akin at pinigilan niya ako sa kamay.

"Tell me what's wrong, hmm?" He gently asked. Niyakap niya rin ako mula sa likuran pagkalapit niya sa akin. Sinubsob niya rin ang mukha niya sa buhok ko.

"W-ala. Inaantok lang ako, Uno." May kaba kong sabi dahil sa pagkakalapit ng katawan namin na dalawa. Sinubukan ko na rin na kumalas sa pagkakayakap niya ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagyakap niya lalo sa akin.

"I know there' s something bothering you. Just tell me. Are you jelous?"

Selos? Nagseselos nga ba ako? May karapatan ba akong magselos?

"H-indi. Bakit naman ako magseselos?Kaibigan mo lang din naman ako tulad niya. P-agod lang ako, Uno." Nauutal kong saad dahil sa lapit ng katawan namin na dalawa. May kakaiba akong naramdaman dahil sa pagkakadikit ng katawan namin. Marahil ay dahil nakainom kaming parehas. Pero gusto ko ang sensasyon na hatid na iyon. Gusto ko pa na yakapin niya ako.

Ayaw kong aminin sa sarili ko at lalo na sa kaniya na nakakaramdam ako nang selos kay Sandra.  Walang kami ni Uno. Wala kaming relasyon na dalawa. Pero naiinis ako at nasasaktan kapag alam kong kasama niya si Sandra na wala ako. Hindi naman ako ganito sa ibang babae na kasama niya sa trabaho, tanging kay Sandra lang.

Naiinsecure ako sa kaniya dahil malapit siya sa pamilya ni Uno at lalong-lalo na kay Uno. Pakiramdam ko, anytime ay puwedeng-puwede niyang kunin sa'kin si Uno nang walang kahirap-hirap.

He sighed in defeat. "Okay.
Goodnight." Hindi muna siya agad umalis sa pagkakayakap niya sa'kin.

Hindi rin ako nagsalita pa. He just nodded and then he left. Dumiretso na rin ako sa banyo para makapagpalit ng damit pantulog.

Mag-aalas tres na ng madaling araw  pero 'di pa rin ako makatulog. Kanina ko pa naiisip si Uno. Iyong mga kinilos ko kanina. Baka kung ano ang isipin niya sa'kin. Masiyado ako naging obvious na nagseselos kay Sandra.

Bakit ba kasi hindi ko na lang sinabi ang totoo na nagseselos ako kay Sandra?

Pero kung inamin ko, malalaman niyang may gusto ako sa kaniya. Oo, may gusto ako sa kaniya. Kahit ayaw kong aminin sa sarili ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin na dalawa. Pero sino ba ang hindi mahuhulog sa ginagawa ni Uno? Minsan naiisip ko na nga may gusto siya sa'kin at pakiramdam ko na rin ay boyfriend ko siya, base sa ipinapakita niya sa'kin. Ang hirap kasi na ako ang magtatanong kung ano ang mayro'n kami. Ang hirap ng walang label na relasyon. Wala kang karapatan na magselos.

Bumangon ako at kukuha lang ako ng gatas. Baka sakaling makatulog na ako. Mabuti na lang at Sabado kaya wala akong pasok.

Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita si Uno na nakaupo sa couch at umiinom. Nakapagpalit na siya ng damit. Nakaboxer na black at white na t-shirt.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon