Chapter 26

239 4 0
                                    

ELLIE

"NAKU MA'AM, baka naman may... ehem! beer."

Sinimulan na naman ako hiritan ni Malou ng beer. Hindi pa nga kami tapos sa paglalabas ng mga souvenirs sa sasakyan, heto at humihirit na agad. Sinulyapan ko siya. "Tirik na tirik ang araw, Malou, beer agad ang nasa isip mo. Mabuti buo pa iyang kidney mo kakainom mo. Ikaw, maghinay-hinay ka nga sa pag-iinom. Ano, ginawa mo ng tubig ang beer?" panenermon ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa function hall at nag-aayos ng mga souvenirs. Madami ang order sa amin, nasa mahigit 500 pcs.

Si Reese ay kausap ni Andrea, iyong wedding coordinators. Sumakit din ang paa ko kakabalik-balik naming maghakot ng souvenirs. Mabuti na lang at last na batch na itong bitbit namin ni Malou.

"Kaya nga masarap ang uminom ng malamig na beer ngayon, Ma'am dahil mainit."

Inismiran ko lang siya at kinuha ang phone ko sa bulsa. Hindi pa rin nagrereply message ko si Judah. Tatlong araw na simula noong nakita niya kami ni Uno sa opisina. Si Mikhay lang ang tinatawagan niya tapos ilang message lang ang sagot niya sa dami ng mensahe na pinadala ko sa kaniya. Kahit tawag ay hindi niya sinasagot. Napacold niya sa akin at hindi ako sanay.

Dismayado ako na binalik muli sa bulsa ko ang phone. Parang gusto ko na ngang patulan ang hirit nitong uminom dahil masama ang loob ko kay Judah. Nagpaliwanag naman ako sa kaniya at humingi ng sorry dahil hindi ko agad sinabi sa kaniya ang totoo. Pero ayaw parang ayaw niyang maniwala sa akin. Baka ilang hirit pa nito ni Malou ay pagbibigyan ko na talaga siya kahit tanghaling tapat pa.

Siniko ako ni Malou at nakangusong tinuro si Celestine na papalapit sa amin.

"Are you done?" tanong niya pagkapalit.

"Oo. Sina Andrea na raw ang bahala sa mga souvenirs. Paalis na rin kami. Madami pa kami gagawin sa shop. Nagkasunod-sunod ang mga orders sa amin."

Tumango-tango siya. Naiwan sa shop namin sina Giselle at Liza. Malayo rin itong Tagaytay at siguradong traffic pag-uwi namin kaya kailangan ay makaalis na agad kami.

"Would you like to have coffee or juice while waiting Reese? Maaga pa naman." Parehas namin sinulyapan si Reese at Andrea na nag-uusap.

"Juice po sa akin, Ma'am," sagot ni Malou. "Na walang lason."

Sinamaan ko ng tingin si Malou at agad na siniko.

"Excuse me?! Ano'ng sinabi mo?"

"Ang ibig kong sabihin, iyong lason para sa mga peste. Iyong mga pakalat-kalat na peste na namemeste."

Sumimangot si Celestine sa sinabi ni Malou. Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya at pagtitimpi kay Malou.

"Malou..." warning ko sa kaniya na tumigil sa ginagawang pagpaparinig.

"Ma'am, iyong mga chemical na ginagamit kapag nagpepest control. Restaurant sila at siguradong mayroon sila no'n. Baka kasi may naligaw na chemical at mahalo sa drinks natin. Alam niyo naman minsan, aksidente.

"Are you saying na hindi malinis restaurant ko at hinid maingat ang mga tao ko rito?! At saka wala kami noon dito."

"Hindi naman, Ma'am. Huwag kayong maguilty. Joke lang naman iyon." Pasimpleng pambabara ni Malou.

Bakit ba ang init-init ng dugo niya kay Celestine simula nang nakilala niya ito?

"I'm sorry, Celestine pero hindi na lang siguro. Sa kotse na lang namin hihintayin si Reese. Salamat sa pag-imbita." Hinging paumanhin ko kahit gusto ko rin sana dahil nakakahiyang tanggihan si Celestine. Pero mas nakakahiya ang ginawa ni Malou.

"Huwag kang mag-aalala, Malou, hindi ko hahayaan ang mga peste na sirain ang pinaghirapan ko. Binabantayan ko na nang maigi upang walang makakasirang peste sa restaurant ko. Mahirap na, lalo na kapag nakapasok, wala ng gawin kun'di bigyan ako ng sakit lang sa ulo." Sabay tingin nito sa akin.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon