Chapter 33

250 5 0
                                    

NAPATAYO AKO sa higaan at lumapit sa pintuan nang makarinig ako na may pumipihit ng seradura ng pinto. Nakalock ang silid namin. Alas dos pa  lang ng madaling araw. Hindi pa nga rin ako dalawin ng antok dahil simula kanina na umalis sina Uno at Sandra ay hindi pa sila bumabalik. Ni hindi rin nagawang magpaalam ni Uno sa amin ng anak ko. Alam kong nasaktan ko siya at galit siya.

Pero hindi naman niya ako masisisi. Hindi madali ang lahat. Hindi madaling paniwalaan ang mga sinabi niya. Ang isip ko ay nahahati. Pero ang puso ko ay gustong maniwala kay Uno. Natatakot lang ako. Natatakot lang ako na masaktan ulit. Natatakot lang ako na malaman ang totoo dahil mahal ko rin si Judah. Pero kung totoo iyon, hindi ko alam kung ano kaya ko siyang patawarin.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Uno na mapupungay ang mga mata nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakakilos.

"Sabihin mong mahal mo pa rin ako, Ellie. Please, babe?" Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil. Pagkatapos ay pinagbunggo niya ang noo naming dalawa.

Nanigas ang katawan ko sa pagkabigla. I swallowed the lump in my throat. "L-asing ka lang, Uno. M-atulog ka na. Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo."

"I want to hear you say it again, Ellie. Ako pa rin, right?" Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak na sa magkabila kong pisngi.

"U-no. Marami nang nagbago. I can't hurt Judah. Ma-mahal ko siya. Hayaan mo na ako. Si... si Celestine. Siya na lang ang mahalin."

Tinalikuran ko na siya at isasara na sana ang pinto nang pigilan niya ako.

"Please love me again, Ellie." He begged. "Mahal na mahal pa rin kita, babe. I know I was so stupid for hurting you before, but please give me another chance. Love me again, babe." Ang mga mata niya ay nagsusumamo na nakatingin sa akin.

"Lasing ka —" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang marahas niya akong siniil ng halik sa labi. Pinaikot niya agad dalawang kamay niya sa baywang ko at diniin sa kaniyang katawan.

Tinutulak ko siya pero malakas siya. He savagely kissed me while biting my lower lip and thrusting his tongue out. He kissed me with a rough, brusque kiss that he had never done before. Pakiramdam ko ay namamaga na ang labi ko sa kaniyang marahas na halik. Bumaba ang halik niya sa panga ko, pababa sa leeg.

"U-no, please? L-asing ka." Tinutulak ko siya pero hindi niya pinapakinggan ang pagmamakaawa ko sa kaniya.

He quickly pinned me on the door. Tinaas niya ang isang binti ko at pinaikot sa kaniyang baywang.

"Si Mi-Mikhay... b-aka magising," saad ko habang nagsasalitan siyang halikan ako sa labi, sa panga at sa mukha. Para siyang sabik na sabik na makahalik sa akin.

He stopped kissing me for a while at sinulyapan ang kama kung saan mahimbing na natutulog si Mikhay. Walang pasabing basta na lang akong binuhat at hinalikang muli sa labi. Dinala niya ako sa kaniyang silid.

Ang paraan ng kaniyang paghalik na marahas ay nagsisimulang magbigay nang mainit na pakiramdam sa akin. Binuhay ang pagnanasa ko sa kaniyang mga halik. Buhat-buhat pa rin niya ako at nakapulupot sa baywang niya ang binti ko habang naghahalikan kami nang malalim at mapusok.

Naramdaman ko na lang ang malambot na higaan. Mabilis at nagmamadali niyang inalis ang kaniyang polo shirt at muling inabot ang labi ko. Ang kaniyang kamay ay naglalakbay na sa maseselang parte ng katawan ko.

"U-no, please?" Hindi ko alam kung para saan ang pakiusap na iyon. Gusto ko siyang patigilin sa kaniyang ginagawa dahil alam kong lasing siya.

With his touch and kiss, however, my body couldn't help but groan. My body reacts in a different way than my mind does.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon