Chapter 13

162 3 0
                                    

ELLIE

Excited ako na umuwi ngayon dahil bukas ng umaga ay darating na si Uno. Nasa baba na ang driver niya para sunduin ako. Inayos ko na ang desk ko at kinuha ang bag. May mga hindi pa ako natatapos na iinput na report pero bukas na lang. Ilang araw na rin naman akong nageextend sa trabaho dahil wala naman si Uno.

Habang nasa elevator ako, tinawagan ko si Uno dahil kaninang lunch time pa niya ako huling minessage. Nadismaya lang ako dahil hindi niya sinasagot.

Ano kaya ang ginagawa niya? Bakit 'di ka niya sinasagot ang tawag ko?

Nilagay ko na lang sa bag ko ang phone nang bumukas na ang lift. Tinawagan ko rin si Manong Boyet dahil hindi ko makita ang sasakyan niya pero hindi rin sinasagot ang tawag ko.

Naglakad-lakad na lang muna ako at hinanap sa parking ang kotse. Baka nakatulog si Manong Boyet kaya hindi narinig ang tawag ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang familiar na itim na malaking sasakyan ni Uno.

Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa sasakyan. Naeexcite ako kung siya nga ang nandito ngayon. God, sobra ko siyang namiss dahil naextend sila doon sa Baguio. Ang tatlong araw lang nila ay naging isang linggo. Kahit si Uno ay nainis dahil hindi siya agad nakabalik dito sa Maynila.

Bumaba ang sakay ng kotse. Nakasuot siya ng puting polo shirt at black jeans. Malapad ang ngiti niya sa akin na abot hanggang sa kaniyang mga mata. My heart beat faster as I stared at him.

"Titigan mo lang ba ako?" nakangiting saad nito kaya hindi ko napigilan ang sarili at napatakbo ako papunta sa kaniya.

"Uno!" Mahigpit ko siyang niyakap pagkalapit ko sa kaniya. Gano'n din ang ginawa niya sa akin.

"I missed you so much." Bulong niya sa tainga ko. Hinalikan niya ako sa ulo. Napaiyak ako sa sobrang kaligayahan na nakita ko siya ng 'di inaasahan ngayon.

Nilayo niya ang sarili sa akin at hinaplos ang ulo ko.

"Kanina ka pa? Bakit 'di mo sinabi sa akin?" napanguso ako sa pagtatampo dahil kanina ko pa hinihintay ang message niya sa akin.

Instead of answering me, he held my face and kissed me on my lips. Maalab at mapusok. Ramdam ko ang kasabikan niya sa kaniyang halik. Ginantihan ko rin ang kaniyang mapusok na halik, punong-puno rin nang pananabik.

Nangangapos ang hininga namin nang maghiwalay ang labi namin. "I missed you so much, Ellie."

"Namiss din kita." Pinagbunggo niya ang noo namin na dalawa. "Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko kanina."

Mas lumapad ang pagkakangiti niya. Lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi. Kinagat niya rin ang pang-ibabang labi para basain iyon kaya nasundan ko nang tingin. Mapupula ang kaniyang labi na kay sarap halikan. Pakiramdam ko nag-init ang magkabila kong pisngi. Those kissable lips that I kissed so many times.

"I just want to surprise you. You don't have any idea how much I missed you so badly." Kinabig niya ang katawan ko at pinulupot ang kaniyang braso sa katawan ko na para bang ayaw na akong pakawalan.

He traced my eyes and lips with his fingertips. We stared each other. His eyes na parang may magnet na hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Everytime I am near with him, hindi pa rin nawawala itong kasabikan sa puso ko, ang kalabog ng dibdib ko. The  butterflies in my stomach, gano'n pa rin ang epekto ng isang Uno sa akin. And I want to feel this forever. I love him with all I am.

He never failed to surprise me. He never failed to make me feel special. At isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya.

"Sa condo na tayo dumiretso. I'll cook your favorite," ani Uno. I smiled at him.

Binuksan na niya ang sasakyan at inalalayan ako papasok sa loob bago siya umikot sa driver seat.

"No. I'll cook. Pagod ka sa biyahe kaya ako na lang ang magluluto."

"Okay, so let's cook together instead."

"Good idea." Napangisi ako sa sinabi niya. "Kumusta naman si Sandra? Kasabay mo ba siyang umuwi?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Uno pagkarinig sa pangalan ni Sandra. May nangyari kaya na hindi maganda sa Baguio?

"Nauna na akong bumalik. May mga gagawin pa ako rito sa Manila. She knows what to do there."

Tahimik lang ako napatango-tango. Gusto kong itanong kung ano iyong post ni Sandra sa story niya sa isang social media account niya na caption lang na Can't wait to wake up next to you.

Hindi ko napigilan na mag-isip ng hindi maganda. Wala naman siyang binanggit na pangalan pero pakiramdam ko ay si Uno ang tinutukoy niya.

"By the way, where have you been last night? Tumawag ako kay Mang Boyet, hindi ka raw nagpasundo?" He asked while his forehead creased. His full attention was on the road. He slightly threw a glimpse at me.

"Uhm... sa mall. Nagkita kasi kami ni Judah-"

"What?!" Bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya muntikan na akong mapasubsob sa dashboard ng kotse. "You didn't tell me."

Napakunot ang noo ko at nagtataka sa  reaksiyon niya. Nakalimutan ko talaga ng araw na iyon lalo na madami kaming napagkuwentuhan ni Judah. "I'm sorry. Nalowbat kasi ako no'n kaya hindi ko na nagawang ipaalam sa iyo. Hindi naman sinasadya iyong pagkikita namin. Kumain lang kami at nagkuwentuhan."

Nagpakawala nang malakas na buntong hininga si Uno at saka tumango. "Ayaw ko lang na hindi ka nagsasabi kung nasaan ka at kung sino ang kasama mo."

Hindi ko rin talaga sinagot ang tanong niya noong tinanong niya ako kung sino ang kasama ko at saan ako galing. Pagkauwi ko kasi sa bahay, pagkabukas ko ng phone may messages siya na hindi ko na nareplyan. Akala ko hindi na niya itatanong ang tungkol do'n.

Bakit ba kasi ang init ng dugo ni Uno kay Judah?

"And I don't like him. Ayaw ko na sumasama ka sa kaniya ng hindi ako kasama."

"Kaibigan ko si Judah-"

"Just do it." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Ayaw ko lang na mawala ka sa akin, Ellie."

Bago pa ako nakasagot sa kaniya ay kinabig niya ako para halikan. Napaungol ako sa malalim at mapusok namin na halikan na dalawa. Mas lalo ata iyon nakadagdag nang pananabik sa kaniya kaya mas naging mapusok pa ang paraan ng paghalik niya. Dila sa dila. Nakahawak na rin siya sa magkabila kong pisngi at patuloy sa pagsibasib sa  akin ng mainit na halik.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon