Chapter 4

205 6 0
                                    

HINDI NA namin pinag-usapan ni Uno ang namagitan sa amin na dalawa. Hinayaan ko na lang din. Wala akong lakas ng loob para ako ang magsimula ng topic na iyon pero hindi na ulit nangyari iyon. Naisip ko na baka dahil lasing siya at nakainom ako kaya nangyari iyon. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin. Mas naging sweet pa nga siya at mas naging maaalaga sa akin.

Habang gumagawa ako ng report ko ay tumabi sa desk ko ang katrabaho ko at kaibigan na rin na si Veron. Mugto ang mata nito at halatang galing sa pag-iyak.

"Ano'ng nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kaniya. Late rin ito pumasok ngayon. Halos kakarating lang niya.

"Si Steve kasi..." panimula niya at tila naiiyak na naman siya. Mabuti na lang at may meeting mga head namin kaya hindi kami makikitang nagkukuwentuhan lang ngayon.

Tuloy pa rin naman ako sa ginagawa kong report habang nakikinig sa kaniya.

"Ano'ng nangyari sa inyo ni Steve?"

"Ang hirap nang ganito, Ellie. Iyong hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay ni Steve. Kung ano ang relasyon naming dalawa. Nasasaktan ako dahil may bagong katrabaho si Steve na magandang babae at madalas silang magkasama ngayon dahil may project sila. Pero wala naman akong karapatan na pagbawalan siya dahil magkaibigan lang kami."

Napahinto ako sa pagtatype sa computer at bumaling sa kaniya. Akala ko ay masaya sila ni Steve. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kaniya. May nangyari na kaya sa kanila tulad sa'min ni Uno?

"B-akit hindi mo siya tanungin sa tunay na estado ng relasyon niyong dalawa?" tanong ko kahit nararamdaman ko ang nararamdaman niya dahil hindi ko rin magawa iyon kay Uno.

Sino nga ba ang dapat magtanong o magopen ng gano'n topic? Dapat ba ay lalaki dahil sila naman itong nagpaparamdam nang may meaning. Bakit hindi na lang kasi nila sabihin na gusto nilang manligaw?

"Hindi ko kaya, Ellie. Buti pa kayo ni Uno, mukhang okay na okay kayong dalawa. Sana ay gano'n din si Steve sa'kin." Napabuntong hininga ito pagkatapos at halatang problemado.

Matagal na rin kaming magkatrabaho at magkaibigan ni Veron. Naikuwento na niya sa'kin noon pa na simula College pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa ni Steve.

Para sa makakarinig sa problema niya, iisipin lang nila na madali lang naman ang ganitong sitwasyon- ang tanungin kung ano ang tunay na estado ng relasyon. Pero kapag nasa gano'ng sitwasyon ka na, hindi mo maiwasang mag-aalala at mabahag ang buntot sa takot na baka kung ano maging resulta kapag tinanong mo iyon. Paano kung biglang umiwas? Madaming takot at pangamba ang nasa puso't isipan ko rin tulad ni Veron kaya hindi ko rin magawa.

"Yeah. Ayos naman kaming dalawa ni Uno. Uhm... may tatanong ako sa'yo. Huwag ka sanang ma-offend."

"Ano iyon?"

Huminga muna ako nang malalim. "M-ay nangyari na ba sa inyo ni Steve?"

Yumuko si Veron at saka tumango. "Oo. Ang tanga ko 'di ba? Matagal na kaming magkaibigan ni Steve at matagal na rin may nangyayari sa amin pero walang malinaw o wala kaming pormal na relasyon. Ramdam ko naman na mahalaga ako sa kaniya,  Ellie. Kaya lang, parang nastuck na kami sa ganitong sitwasyon."

Mas lalo akong natakot para sa amin ni Uno. Pero knowing Uno, alam kong hindi naman niya ako sasaktan. Inuuna niya ang kapakanan ko. Label lang naman ang kulang sa'min na dalawa ni Uno. Pero sa paraang nang pag-aalaga at pakikitungo namin ni Uno sa isa't isa ay higit pa sa magkaibigan ang turingan namin na dalawa. Tanging kami lang ang nakakaunawa sa kung ano ang mayro'n kami.

"Sa palagay ko, pagkatiwalaan mo si Steve. Mahalaga ka sa kaniya kaya hindi naman niya iyon basta-basta itatapon. Hindi na no'n sasaktan." Pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon