Special Chapter

2.5K 105 64
                                    

A/n: Hello, did you guys miss the Alpha Team? Here's a special chapter for y'all while we're waiting for the Book Two.

Ever wondered how did the four Alphas first meet? The first battle they've fought altogether? Well, enjoy reading!

***

"Why don't Manang just plant arnica on your backyard? Seriously, Asher, ang laki laki ng bahay ninyo! I'm sure there's a space somewhere for this," Sapphire ranted like a child as she counted the arnica plant on her hand.

I smiled as I watched how her lips protruded a bit because of irritation. Ito talaga ang isa sa pinakaayaw niyang pinapagawa sa amin ni Manang. Sobrang layo kasi ng kakailanganin naming lakarin mula sa bahay nina Asher sa tuwing kukuha kami nito. It's a plant with an appearance almost the same with that of a sunflower. It's commonly used to treat bruises, swelling, muscle aches, and inflammation. Madalas ay sa gubat nakakakita nito kaya nandito kami ngayon.

Napailing na lang ako at tinignan ang kulay dilaw na halamang nasa kamay ko. Sa aming tatlo, ako ang may pinakamaraming nakuha. Asher just got thirteen while I got twenty seven. Too many, I must say. But Manang required us to have at least fifty.

"Seven, eight, nine..." she muttered. "Hiro, nine lang ang nakuha ko."

I raised a brow at her. "I got twenty seven. Saan ka ba naghanap?"

Nagsimula kaming maglakad pauwi. Rinig na rinig ang malakas na kaluskos ng mga tuyong dahon na natatapakan namin. Buti na lang talaga at maraming puno sa paligid kung hindi ay kanina pa kami nangitim dahil sa malakas na sinag ng araw. Ewan ko ba, alas kwarto naman na pero sobrang init pa rin.

Sapphire is still whispering her rants. Padabog siyang naglalakad habang magkasalubong ang makakapal na kilay. I licked my lower lip as I smoothly slid my right hand inside my pocket. Ang kaliwa ang may hawak ng mga halaman.

"Magkasama kami," Asher answered for her. "Wala na roon. Nakuha na namin halos lahat last week kaya kakaunti na lang."

"Isa lang naman ang kulang. Hindi naman na siguro bibilangin ni Manang 'yan?"

I shrugged my shoulders. "We're not sure about that, Saph."

"Tss," si Asher. "This is your fault, Hiro."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Bakit ako? Ikaw nga itong nag-aya ng duel. It isn't my fault that you got beaten, you weakling."

"Stop bragging when you just literally won because of cheating."

"Guys, that's enough..."

Hindi ko pinansin si Sapphire. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap si Asher.

"I didn't cheat," giit ko.

"Ashley called me. Sinuntok mo ako noong tinignan ko siya," he fired back as he stopped walking too.

Napatingin ako sa pasa sa gilid ng labi niya. Okay, I admit that one. Pero sino naman kasing tanga ang aalisin ang atensyon sa kalaban sa gitna ng duel? Kahit si Sapphire ay alam na mali 'yon!

"Malay ko bang wala na pala sa akin ang atensyon mo? Kita mong naglalaban tayo. Malamang susuntukin talaga kita."

"Here we go again..." Sapphire sighed frustratingly.

"Siyempre si Ashley 'yon! Hindi naman kita sinusuntok kapag napapatingin ka kay Sapphire sa tuwing titili siya, ah?"

"Tumigil nga kayo!" yelled Sapphire as she glared at us both. "Kasalanan ninyong dalawa 'yan! Ilang beses na kayong pinagsasabihan ni Manang na huwag kayong magdudwelo hanggang hindi pa kayo natitrain sa University! God! You guys are just fifteen pero kung makaasta kayo, kala ninyo ang lalakas niyo na!"

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now