Epilogue

2.8K 148 125
                                    

a/n: thank you again for reading my story up until here. Godbless you.

ps: this is kinda long but i still hope for you to enjoy reading every words of it. lovelots.

***

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Puting kisame ang agad na bumungad sa akin. I gasped as I tried to sit down. Nasa ibabaw ako ng isang malaking kama at hindi ko alam kung nasaan ako. What happened?

I tried to move but I immediately regretted it when I felt a severe pain on my legs. Ngumiwi ako at inalis ang kumot na nakabalot sa akin para tignan iyon. Wala nang bakas ng sugat pero ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Iba na ang suot ko at wala na rin ang iba ko pang sugat sa katawan. Huminga ako nang malalim. Inilibot ko ang tingin sa paligid. This place isn't familiar to me.

Where am I?

The door opened. Mabilis kong tinignan kung sino ang pumasok at kaagad kumunot ang noo ko nang mamukhaan ko kung sino iyon.

What is she doing here?

"Athena, gising ka na pala..." She even managed to smile at me.

Mabilis na uminit ang ulo ko nang makita ko ang ngiting iyon. I automatically glared at her. Umupo siya sa dulong parte ng kama bago ako binigyan ng magaan na titig.

Bakit ba kasi siya nandito? At bakit... ako nandito? Why am I suddenly back here?

"Why am I here, Bernice?" malamig kong tanong.

She's one of the Council of Perigo University. Hindi ko alam... Bakit at papaano? Sari-saring tanong ang bumuhos sa isipan ko.

Then suddenly, it hit me. Lahat ng nangyari sa palasyo... kay Augustus. At kay...

Fuck.

Si Luigi!

"You are here because we saved you. Kung hindi dahil sa amin ay baka wala na kayong lahat dahil sa ginawa ninyong pagsalakay kay Miyata."

Parang walang pumasok sa isip ko sa mga sinabi niya. "S-si Louie?"

Halos manginig pa ang boses ko nang tawagin ko siya sa nickname niya. Pumikit ako nang mariin at sinapo ang noo. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba.

He's okay, right? I opened my eyes and looked at Bernice hopefully. Please tell me that he is okay. Na nagpapagaling lang siya kaya wala siya ngayon.

Tumikhim siya at malungkot na ngumiti sa akin. "Inaayos na namin ang lahat para sa libing niya."

My lips parted. Kaagad nanikip ang dibdib ko at ayaw pang tanggapin ng utak ko ang lahat. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko.

No...

Suminghap ako at mabilis na sinalo ang takas na luha sa aking mga mata. That can't be... Si Luigi iyon! Si... Louie! He can't just die like that! Mayabang siyang unggoy at alam kong hinding hindi siya papayag na matalo ng isang babae...

Mas lalo lamang bumuhos ang luha ko ng maalala ang lahat. Si Ara. Si Ara ang bumaril. My sister shot him! Twice!

Shit.

"You're kidding me..." Nanginig ang boses ko.

Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras ako hanggang sa tuluyan na akong mapasandal sa headboard ng kama. She sighed when she realized I don't want her near me. Paulit-ulit akong umiling sa kaniya.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now