"Are you sure you're already fine, Athena? Why don't you just rest?"
I rolled my eyes at Megan. "Okay na ako, Meg. Absent ako buong araw kahapon kaya kailangan kong pumasok ngayon," sabi ko.
Buong araw ako kahapon sa clinic na pinagdalhan sa akin nina Hiro. I think that's their personal clinic. Nakabukod kasi ang facilities nila sa iba pang estudyante. Perks of being an Alpha, huh?
Sa buong maghapon din na iyon ay tulala ako halos doon. Bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Asher. I mean, wala naman akong ibang pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Pero hindi talaga ako pinatatahimik ng ekspresyon ni Asher kahapon noong huli kaming mag-usap. That was the very first time I saw that kind of reaction from him. At talagang hindi ako pinatulog niyon kagabi.
"Papayagan kita pero huwag kang aalis sa tabi ko! God, Athena! You're very hard-headed. Iniwan mo ako rito kahapon ng umaga tapos malalaman ko na lang, kung ano-ano nang nangyari sayo?" sabay sukbit niya ng bag niya sa kaniyang balikat.
Tumango na lamang ako at tumayo. Tahimik kaming dalawa habang bumababa sa building na iyon. May kaunti pa akong kirot na nararamdaman sa braso ko but it was bearable. Buti nga at ito na lang ang iniinda ko, e. If I was in the normal world, baka isang buwan pa akong nakaratay sa hospital bago ako gumaling nang tuluyan.
Nang makarating kami sa mismong pintuan ng classroom ay nagkakagulo na ang ibang mga members. May nilalaro yata sila kaya sobrang ingay.
"Megan, Athena! Sali kayo rito dali!" ani Reo sabay muwestra sa amin para pumasok.
Yeah, that Reo Anthony Vasquez. Ang lalaking ayaw sa physical training.
I mentally scoffed because of that. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang bumait sa akin nitong nakaraang linggo. Minsan ay inaaya niya pa akong sabay daw kaming kumain sa Dining Hall na agad ko naman tinatanggihan. Bukod sa naiilang ako ay ayaw kong iwan si Megan.
I smiled at Reo. Mabilis namang tumakbo si Megan papunta sa kanila at nakitili na sa mga babae. Naiwan naman ako sa may pintuan habang pinanonood silang lahat na naghihiyawan.
I see. So, two of our members are having a small duel. Hindi ito katulad ng sa amin ni Luigi kahapon. Nagcreate sila ng dalawang maliit na hugis tao gamit ang kanilang Control at iyon ang ipinaglalaban nila.
"What's happening here?" Isang nakakakilabot na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I can feel his presence behind me. I can also feel the fast beating of my heart! God, kabadong kabado ako!
Ang kaninang nagkakagulong mga members ay biglang natahimik. Mabilis silang pumunta sa kani-kanilang mga upuan. Ang dalawang maliit na hugis taong ginawa ng nagdu-duel ay bigla na lang ding nawala. Huminga ako nang malalim at nagpasya naNg pumasok sa loob.
"Saan ka pupunta?" malamig na tanong ni Asher sa likuran ko.
Napalunok ako. Obvious ba? E'di sa loob! Kung kaya ko lang sanang barahin siya ngayon ay ginawa ko na. Kaso kanina pa rin talaga ako kinakain ng kaba!
Humarap ako sa kaniya at sinalubong ang matalim niyang titig sa akin. His face is back to it's normal cold, undisturbed and stoic expression. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.
"Papasok sana..." Nanginig ang boses ko kaya hindi ko na nadugtungan.
Damn, Athena! Ayusin mo nga iyang sarili mo! Wala sa sarili kong kinurot ang braso ko.
"Bakit?" he asked again.
I almost rolled my eyes. Bakit ba pumapasok? E'di siyempre may klase! Nawalan ba ito ng common sense dahil sa sagutan namin kahapon?
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...