Chapter Twenty Seven

2K 124 37
                                    

"Mabuhay ang bagong bati!"

"MABUHAY!"

Agad kumunot ang noo ko nang may magsaboy sa aming dalawa ni Asher ng ilang mga dahon at petals. Halos mapamura ako dahil ang iba ay tumama pa sa mismong mukha ko. I glared at Sapphire, Hiro and Luigi. What the hell are they thinking?

Papasok na sana kami ng bahay pero natigilan dahil sa ginawa nilang ito. Humalukipkip ako at pinanood ang tatlong nagtatawanan sa harapan namin.

"One more time!" sigaw ng natatawang si Sapphire.

"MABUHAY ANG BAGONG BATI!" malakas na sigaw ng dalawang unggoy.

Naningkit ang mga mata ko sa kanila. I saw Asher rushed towards Hiro and Luigi. Natatawa pa silang dalawa habang tinataas ang kanilang mga kamay, parang sumusuko. I heard Asher muttered a curse to them.

I rolled my eyes. Ano na namang kalokohan ito?

"What the fuck are you thinking?" iritadong sinabi ni Asher habang nagtatanggal ng sumabit na dahon at petal sa buhok niya.

I bit the inside of my cheeks as I do the same too. Mabuti naman at kakaunti lang. God, may sinama pa yata silang maliliit na sanga rito, e. I can't believe these three.

"What the fuck are you thinking?" Luigi mocked him. "Tangina, pre. Makaarte kayong dalawa akala niyo naman kayo? Ilang araw 'di nagpansinan, akala niyo naman may label," patuya niyang sinabi.

Humagalpak sa tawa sina Hiro at Sapphire. My lips parted as I glared at Luigi. This fucking...

Mabilis akong sumugod sa kaniya para hampasin siya sa batok. Asher can't stop cursing him. Tumatawa pa rin ang gago habang umiilag sa mga atake namin sa kaniya and I swear, I am very, very irritated at him right now! How dare this monkey say that!?

Damn. I want to punch him straight to his fucking monkey face!

Tumakbo siya papunta sa likuran nina Hiro at Sapphire na natatawa lang na pinanonood kami. Huminto ako at masamang tinitigan ang tatlo.

Ngumisi ako sa kanila kahit na naiirita pa rin ako. "Ah talaga ba mga basted?"

Mas lalong lumakas ang tawa ni Sapphire. The smile on Hiro and Luigi's lips faded as they both glared at me. Nanatili ang ngisi ko sa kanila lalo na ng makita kung gaano sila naapektuhan doon.

Asher chuckled beside me. "Hindi naman nanligaw ang mga iyan."

Hiro frowned at him. Hawak-hawak na ni Sapphire ang tiyan niya dahil sa katatawa. I almost rolled my eyes at her. Siya lang yata itong nageenjoy sa mga kalokohan nila, e.

Lumabas si Luigi sa likod nina Hiro at matalim na tinitigan si Asher sa gilid ko. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin, umirap, at padabog na naglakad papunta sa loob ng mansiyon.

Umawang ang labi ko. What the fuck is his problem now? Siya pa ang may ganang mag walk-out!?

I looked at Hiro when I heard him hissed. He rolled his eyes at Asher. "Stop bragging. Sinuwerte ka lang..." aniya at mabilis na sinundan si Luigi papasok.

Sapphire giggled. Nakuha niya pang kumindat sa akin bago nanunuyang sinundan ang dalawang nagwalk out.

Aba. May mga sayad yata itong mga kasama ko.

Nilingon ko si Asher nang maramdaman ko siyang bigla na lamang umakbay sa akin. He is now smirking as he glanced at me. Napailing ako at mahina siyang siniko sa tiyan.

"Mga siraulo," I hissed.

Pabalya kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at naglakad papunta sa loob. I heard him chuckled as he walked behind me. Umirap ako sa kawalan nang makita ko ang tatlo sa sala.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now